Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beverly Labadlabad Elias J TV

Mga intriga sinagot ng talent manager na si Beverly Labadlabad, idedemanda si  Elias J. TV

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAKASUHAN ang singer na si Elias Gabonada Lintucan, Jr. na kilala bilang Elias J. TV ng talent manager at businesswoman na si Beverly Labadlabad. Aasuntuhin daw ni Labadlabad ang sariling talent niya mismo ng kasong Estafa through False Pretenses.

Ito’y may kauganayan sa umano ay pangongolekta ni Elias ng pera sa mga concert producers and organizers, na hindi nire-remit sa kanyang manager.

Last Wednesday ay nagpatawag ng press conference si Labadlabad sa Century Park Hotel Manila. Kasama niyang humarap sa media ang mga abogado niyang sina Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Ivan Patrick Ang. Atty. Raphael Andrada. at Atty. Ernst Salaveri.

Ayon kay Labadlabad, wala siyang relasyon kay Elias, siya’y may asawa siya, at parang kapatid lang ang turing niya sa kanyang talent na frontman ng bandang mina-manage niya.

Aniya, “Bilang kapatid talaga ang turing ko sa kanya… bilang kapatid yes, pero bilang iyong mga kontrobersiya, ‘di po iyon totoo. May asawa po ako… Iyong lahat nang nag-trending ngayon, hindi po mang-aagaw si Ms. Beverly, so, iyon na po iyon.”

Hindi rin daw siya buntis at natawa na lang sa nagpapakalat na siya raw ay isang transgender.

“Ang labo niyon a, transgender tapos buntis?” Natatawang side comment ni Atty Topacio.

“Actually, mayroon bang transgender na nagdadalantao, hahaha!” Nakatawang reaction ni Labadlabad 

“Babae po si Ms. Beverly at may asawa na po ako. At saka hindi po ako buntis, pinapangarap kong mabuntis, siyempre sa aasawa ko, pero hindi sa ibang tao. Ako naman ayaw kong makasira ng ibang relasyon…  

“So iyong mga bashers ko, hindi ko na iniisip iyon. Nagpapasalamat na lang ako sa kanila, hindi ko man sila sinasahuran, pinakialaman nila ang buhay ko, nagke-care sila sa akin. So, maraming salamat sa inyo, nakilala si Ms. Beverly.”

Sinabi rin ni Ms. Beverly na handa siyang makipag usap kay Elias, para maayos ang gusot na namamagitan sa kanila.

Ito naman ang pahayag ni Atty. Topacio, “Kung talaga pong gusto ninyong kunin si Elias, wala naman pong problema, we welcome that. Ngunit they have to do it thru proper channels. Gawin ninyo nang maayos, kapag hindi maayos ang kontrata ninyo ni Elias at hindi dumaan kay Ms. Beverly, hindi po kikilalanin iyong contract at madedemanda pa po kayo. Bukod na idedemanda ni Beverly si Elias. “

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …