Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Art Halili

Art Halili Jr., thankful sa kaliwa’t kanang endorsements

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang actor/direktor/host na si Art Halili Jr. na hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng maraming endorsements.

Pahayag ni Art, “Una, nagulat ako na nagkasunod-sunod ang offer sa akin as an endorser and ambassador dahil ‘yung itsura ko ay ang layo sa tipikal na mga endorsers o ambasaador, hahaha!

“Pero nakakataba ng puso sa nakasubok na sa akin as their ambassador and endorser. Actually as an endorser po kasi, bukod sa posting and pag-promote po ay masipag din akong mag-refer ng nga clients sa kanila, para magpasok ng income sa ine-endorse kong brand. Kaya natutuwa sila sa akin.

“Ganoon naman kasi talaga, ‘di lang after sa contract signing natatapos ang pagiging brand ambassador mo, kundi kailangan mo rin to help them, para mas kumita. Na dapat ay ‘di lang iyong ikaw ang kumita sa kanila.”

Kabilang sa mga product na ine-endorse ni Art ang Anytime Fitness Boni, na may ibang branches pa na naka-line up for contract signing this month. Kasama rin ang ‘Le Touche’ at isang coffee shop na pagmamay-ari rin ng Anytime Fitness Boni CEO na si Engr. Fe Duroy at isang kilalang pancit bihon, this August 2025 din. Endorser din si Art ng 10K Mixed Construction Company, Royal Aesthetics, Smile 360 Dental Clinic, Mosbeau, AO Jiru Barley, Tatio Active PX, Finncotton, Realms Skincare, Mang Inasal, Dito Sim,Yumyum dog food by Unilab, Xtensions Hub, Sakura Lounge PH, Vikings Philippines, Rosario Pambansang Panlasa, My PuPors, at marami pang iba.

Ayon pa kay Art, nagsimula siya sa showbiz sa tulong ng beteranong direktor na si direk Wenn Deramas. “Bale, 17 years old ako noon bilang extra sa pelikula at sa tulong din ni Ate Melisaa Mendez at Alma Concepcion, maging nina Glenda Garcia at Dexter Doria, sa tulong nila ay nag-VTR ako sa mga talent agency sa Makati at yun po, roon po nagsimula ang lahat.”

Dagdag pa niya, “Naging direktor ako during pandemic, nag-aral ako dahil nakita ko ang kita sa paggawa ng pelikula at mga shows. Una kasi, ako ang producer ng mga shows na ‘Its A Lovely Day with Lovely Rivero’, ‘Lets Talk About K with Keanna Reeves’, “The Mel and Toni Show’ hosted by Toni Co and Mel Soriano, and ‘Push Mo ‘Yan’ hosted by Arnell Ignacio and Keanna Reeves.

“Ako rin ang director and isa sa mga host ng mga show na ‘Tara Lezz Go, Dito Star Ka’ na umabot ng eight seasons. Ito ay hosted by me, Rainier Castillo, JV Salvacion, Chicklet Ramos, Veronic Veron and Katrina Paula & Lance Raymundo. Plus ang celebrity talk show na ‘H2H’ hosted by yours truly, Katrina Paula and Lance Raymundo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …