Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y hindi makatarungang paghahambing nito sa mga singil ng mga electric cooperative (ECs) at ng Meralco, lalo sa gitna ng tinawag nilang hindi maayos na serbisyo mula sa ilang kooperatiba.

Ayon sa LKI, bago pa man ihambing ng NEA ang mga ECs sa Meralco, kailangang tiyakin muna kung patas ba ang naturang paghahambing pagdating sa kalidad ng serbisyo at sa isang pahayag pa ay sinabi ng LKI na ang pagkokompara ng Meralco sa mga ECs ay hindi patas sa kasalukuyan.

“Bagama’t totoo na may ilang electric cooperative na may mas mababang singil sa koryente, mahalaga rin alamin kung ang serbisyo nila ay maihahambing sa Meralco at iba pang pribadong distribution utility na nagseserbisyo sa malalaking lungsod sa Visayas at Mindanao,” saad ng grupo sa English sa kanilang pahayag.

Dagdag ng LKI, nauunawaan nilang mas gusto ng mga mamamayan ang mas murang koryente, ngunit hindi rin dapat isantabi ang kalidad at tuloy-tuloy na serbisyo.

Binigyang-diin ng grupo ang malaking agwat sa access sa koryente sa pagitan ng Meralco at ng mga EC. Halimbawa, sa National Capital Region na sakop ng Meralco, aabot sa 98% ang access sa koryente, habang ang ilang malalayong lugar ay nananatiling kulang sa serbisyo at batay sa datos ng Department of Energy, nasa 40.9% lamang ang elektripikasyon sa Mindanao – karamihan sa mga lugar na ito ay sakop ng mga electric cooperative.

Dahil dito, nanawagan ang LKI ng mas malalim na pag-aaral kung talaga bang makatarungang ikompara ang mga rate ng EC sa Meralco, lalo na’t iba rin ang antas ng serbisyong ibinibigay.

Binigyang pansin din ng grupo ang isang ulat mula sa Asian Development Bank (ADB) noong Setyembre 2019, na isinulat ni Shinichi Taniguchi. Sa ulat na ito, sinabing patuloy na humaharap ang Filipinas sa malalaking hamon sa sektor ng enerhiya — kabilang ang agwat sa antas ng elektripikasyon sa pagitan ng lungsod at mga rural na lugar, gayundin ang kakulangan sa suplay ng koryente.

Mariing kinondena ng LKI ang NEA sa anila’y pagpapakalat ng nakapanlilinlang na mga pahayag imbes ituon ang pansin sa pagbibigay ng malinaw at komprehensibong ulat sa rural electrification program na nagsimula pa noong 1960s.

Nanawagan ang grupo ng ganap at patas na pagsusuri—hindi lamang sa presyo kundi sa kabuuang kalidad ng serbisyo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …