ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MASAYANG-MASAYA si Angelika Santiago dahil ngayon ay isa na siyang ganap na Sparkle artist.
Pahayag ng magandang Kapuso actress, “Super-duper happy po ako kasi finally after all these years po ay Sparkle artist na po ako ngayon. Dream come true po siya.
“Bale, kaka-sign ko lang po this month. As in super fresh pa po, hehehe,” nakangiting dagdag pa ni Angelika.
Anong klaseng project ang wish niyang magawa?
Aniya, “Actually for now po tito, kahit anong project naman po ang ibigay sa akin ay game naman po ako. Para po ma-experience ko rin po lahat, hehehe.”
Ngayong isa na siyang ganap na Sparkle artist, ano ang kanyang expectations?
“Sa expectations ko po sa sarili ko, siyempre ang maibigay ko po ‘yung best ko and maipakita ko po and siyempre, to make my parents proud po.
“All thanks to God po talaga sa nangyari. Grabe po ang pakiramdam ko, kaya hindi ako makatulog po before ng Gala sa sobrang excited ko po talaga,” natatawang sambit pa ni Angelika.
Si Angelika ay unang nakilala sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng hit series na “Prima Donnas” ng GMA-7. Kasagsagan ito ng pandemic, pero hindi naging hadlang ang bagay na ito para i-pursue ng dalagita ang kanyang showbiz career.
Sa pagkakatanda namin, late last year ay napanood si Angelika sa pelikulang “Ako Si Juan” na hango kay St. John of the Cross OCD. Mula sa pamamahala ni Direk Paul Singh Cudail, ito ay hatid ng SJDC Parish Film Production of San Juan Dela Cruz Parish na pinamumunuan ni Father Dennis Espejo.
Ngayong Sparkle artist na siya, wish ba niyang magkaroon ng mga project na gaganap siya sa mga challenging na role?
“Siguro po about sa projects, anything naman po ay kakayahin ko, since magsisimula na rin po iyong workshops namin.”
Aniya pa, “Siyempre naman po tito…gusto kong sumabak sa challenging na role. I think need din po talaga para mahasa po ako. And I love challenges po especially po sa mga roles na ibinibigay sa akin.”
Pahabol pa ni Angelika, “Kahit ano naman po iyan ay willing ako to accept po, with open arms.”
Ano ang payo ng mga humahawak sa kanyang career? Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career?
“Ang lagi pong sinasabi nila sa akin na always stay humble and remember where you came from. And siyempre po, don’t forget to give your best din po at all times, kahit ano pa po iyan.
“Ang wish ko lang po for now is maging stable po siya, since puro workshops naman po ang ginagawa ko ngayon,” wika pa niya.
Nabanggit din ng aktres na sobrang grateful siya sa kanyang unang sabak sa katatapos na GMA Gala.
Masayang sambit ni Angelika, “Unang GMA Gala ko po ito and super amazed po siyempre and very grateful po ako sa experience. Was so happy po with the people who helped me rin po starting from my family, friends, manager ko po and team nila, and sa stylist, designer, and makeup artist po.
“Noong time po na iyon, siyempre I was so happy din po to surprise some of my GMA Sparkle friends like sina Elijah, Althea, and Will (Ashley) po…. iyong mga Prima Donnas friends ko po, hahaha!
“Everyone’s happy po with the outcome, and I’m super duper grateful to experience po this one, surrounded with people that I love.
“And siguro po one of the best memories ko po noong Gala ay ‘yung nagkita po kami ulit ni Will, hehehe. Since last year ‘yung last na kita namin and surprised din po ako na nasa PBB siya. So noong nagkita po kami sa GMA Gala, super-happy po na parang naiiyak.
“Kasi siyempre po, as a friend ay supportive po kaming lahat sa kanya,” pakli pa ng aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com