Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Emilio Daez KFC

Emilio Daez perfect choice bilang endorser ng KFC

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KASABAY ng pagdami ng KFC branch ngayong 2025 sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang pagdagdag na rin ng kanilang endorser. At ito ang pagpasok ng pinakabago nilang ambassador, ang ex-Pinoy Big Brother Collab housemate, Emilio Daez.

Bale dagdag sa maraming endorser ng KFC si Emilio.

Ayon kay Charmaine Bautista-Pamintuan, chief marketing officer ng KFC Philippines. kasama na si Emilio ng iba pa nilang ambassador na sina Kathryn Bernardo, na 11 years nang endorser ng fried chicken brand, gayundin sina JK Labajo, Adie, Zack Tabudlo, at Kaia.

Malay natin baka mayroon pang iba,” pabirong wika ni Charmaine sa press.

Sinabi pa ni Charmaine na perfect choice nila si Emilio dahil kinakatawan nito ang next gen talent na mga letra sa KFC: Kind-hearted spirit, Friendly at approachable at Cool at charming.

Dream come true naman para kay Emilio ang mapabilang sa pamilya ng KFC dahil ito ang paborito ng kanilang pamilya.

“It’s our preferred chicken of choice. When I think of KFC, I think of family talaga because there are so many good experiences I have eating KFC especially with my family who I love so dearly,” nakangiting sabi ng nakababatang kapatid ni Mikhael Daez.

Inamin din ni Emilio na dream din niyang magmay-ari ng isang franchise nito pero tingin niya, kailangan talagang pagtrabahuhan nang husto para matupad.

Sa ngayon, bukod sa endorsements, busy din si Emilio sa huling dalawang linggo ng iWant series na Love at First SpikeIdol Kids Philippines (tuwing Sabado at Linggo) at iWant ASAP (every Sunday).

May pelikula rin siyang ginawa na dapat abangan sa iWant at iba pang projects na unfortunately ay hindi pa niya pwedeng i-announce.

Sa kabilang banda, nangiti naman si Emilio nang may nagsabi sa kanya na hindi niya kailangang gamitin o ipakilala siya bilang kapatid ng kanyang kuyang si Mikael Daez, aktor sa GMA 7!dahil kilala na rin naman siya at gumagawa ng sariling pangalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …