Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Champ Ryan

Champ Ryan, wish sundan yapak ng mga idolong sina Coco Martin at Alden Richards

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TULOY-TULOY ang 13 year old na guwapings na si Champ Ryan sa pag-abot sa pangarap niya sa mundo ng showbiz.

Ang talented na bagets ay na-discover at sumali sa workshop ng Talents Academy ni direk Jun Miguel.

Siya ay isang half-Pinoy and half-Israeli at Grade 8 student sa Arellano University. Ang hobbies niya ay maglaro ng mobile games at basketball.

Bukod sa may ibubuga sa sayawan, si Champ ay isa ring model at sumabak na sa teatro sa pamamagitan ng play na ‘Noli Me Tangere’. 

Ikinuwento ni Champ kung paano siya nabigyan ng break sa teatro.

“Last year ko po naranasan ang mag-teatro. Bale, nag-audition po ako sa A Team Productions para maging part ng theater show nila.

“Masaya po ako kasi naipapakita ko po yung totoong talent ko.” 

Saan ang naging venue ng kanilang play?

“Sa school po iyon naganap sa may Bulacan, then sa Ayala Alabang and iyong isa ay sa Muntinlupa po.”

Gusto ba niyang muling sumabak sa teatro?

“Kung papalarin po ulit, gusto ko pong bumalik at gumawa ulit ng project sa theater,” matipid na wika niya. 

Sakaling mabigyan naman ng chance sa TV o movies, sino ang wish niyang makatrabaho?

Aniya, “Gusto ko pong makatrabaho sa TV or movie sina Coco Martin at Alden Richards. Kasi po idol ko silang dalawa.”

Pahabol pa ni Champ, “Simula pa po nang mas bata pa ako, idol ko na po talaga si Coco Martin … and si Alden po, lately ko po siya naging idol. Kasi po, iba po silang umarte and nakakadala po talaga.

“So, wish ko po talaga na sundan po ang yapak ng dalawa kong idolo, kung mabibigyan po ako ng chance.”

Kahit anong genre raw siya malinya, okay lang kay Champ.

Esplika ng bagets, “Lahat naman po ay gusto kong gawin o subukan, para po sanay po ako sa lahat nang matotoka sa aking project, if ever po. Kasi po pangit naman po siguro kung sanay po ako sa isang genre, tapos sa iba ay hindi po.”

Nabangit din niya na nakapag-acting workshop na siya.

“Nagte-training din po ako for singing and maalam naman na po ako sa acting. 

“Bale, mayroon pong nag-approach sa amin noon na kung gusto ko raw po ba mag-acting workshop at doon na po nag-start, ipinagpatuloy ko lang po yun,”

Ang talent niya talaga ay dancing, sino ang idol niyang dancer or grupo? 

“Yes po, sa dancing po talaga ako. Na simula noong bata pa po ako ay talagang dancing na po talaga ang kinahiligan ko. 

“Idol ko po talaga yung grupo ko po e, iyong JRCKC and mga VPEEPZ at Obsicuous po, iyon po ang idol ko pagdating sa pagsasayaw,” pahayag pa ni Champ.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …