SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V Representative PM Vargas na popokus ang kanyang mga panukalang batas sa sektor ng kabuhayan, kalusugan at edukasyon.
“Sa temang ito iikot ang ating mga panukala ngayong ika-20 ng Kongreso,” ani Vargas.
Aniya ang mga panukalang batas na isinumite niya ay tungkol sa Growth and Recovery for MSMEs (HB 2271), Shared Service Facilities for MSMEs (HB2268), Financial Literacy in Schools Act (HB 2270), Digital Public Libraries and Reading Centers Act (HB 2264) and Last Mile Schools Act (HB 2266).
Aniya ang mga nakasaad na panukalang batas ay tugon sa panawaan ng Pangulong Marcos sa SONA.
“We must translate national agenda into concrete laws that better lives and ensure that no one is left behind,” dagdag niya.
Para kay House Speaker Martin Romualdez suportado niya ang buong reporma sa budget.
Ipinahayag ni Romualdez ang buong suporta niya sa panawagan ng pangulo na iayon ang taunang budget sa pambansang prayoridad at sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Filipino.
Nangako si Romualdez na isusulong ang mga reporma sa proseso ng budget at buksan ang deliberasyon ng bicameral conference committee at tutok ang pamumuhunan sa agrikultura, kalusugan, at paglikha ng trabaho.
“The President’s message was clear: make government work better for the people. As Speaker, I am committed to making sure the budget reflects that – every centavo must go where it’s needed most,” ani Speaker Romualdez.
Sinabi ng Speaker na handang kumilos nang may determinasyon ang liderato ng Kamara upang isakatuparan ang matagal nang kinakailangang mga estruktural na pagbabago sa proseso ng pambansang budget.
Aniya, dapat isulong sa gagawing reporma ang pagkakaroon ng pananagutan, alisin ang mga hindi epektibong paggastos, at tiyaking direktang tinutugunan ang pangangailangan ng pamilyang Filipino.
“This is not just about numbers, it’s about making sure families feel the impact of every peso we allocate,” dagdag niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com