Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chel Diokno BBM Bongbong Marcos

Review ng flood control hindi sapat ‘corruption control’ kailangan – solon

ni GERRY BALDO

HABANG pinapalakpakan ng mga kongresista ang banta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na imbestigahan ang mga kadudadudang proyekto sa gobyerno kagaya ng flood control projects, nanawagan naman si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno na kailangan ipatupad ang “corruption control.”

“Hindi sapat ang review sa flood control. Let’s institutionalize corruption control,” ani Diokno.

Sa kanyang State of the Nation Address sinabi ni Pangulong Marcos na bubusisin niya ang mga proyekto ng gobyerno at mga ‘insertions’ sa budget ng lehislatura.

Ayon kay Diokno, sa pagbabantay laban sa katiwalian, kasama dapat ang taongbayan.

         “Panahon na para sa Transparent Bicameral Committee. Amyendahan natin ang Rules of the House at Senate para payagan ang media at publiko na masubaybayan at masuri ang mga bicam proceedings, kung saan kadalasang ini-insert ang mga overpriced ‘flood control’ projects at iba pang kababalaghan,” paliwanag ni Diokno.

Ayon sa Pangulo pinaimbestigahan niya rin sa Local Water Utilities ang mga “palpak na serbisyo ng mga water districts at kanilang joint ventures.

Binanggit ni Pangulong Marcos, milyon-milyong Filipino ang hindi nakatatangap ng maayos na tubig.

“Titiyakin ng LWUA na mailalagay na sa ayos ang serbisyo ng tubig ng milyon-milyon nating kababayan at gawing mas abot-kaya rin ang presyo,” anang Pangulo.

“Higit sa lahat, titiyakin nating mananagot ang mga nagpabaya at nagkulang sa mahalagang serbisyong-publiko na ito,” aniya.

Ayon sa Pangulo, sa pag-inspeksiyon niya sa naging epekto ng Habagat, ng bagyong Crising, Dante, at Emong, kitang-kita niya na maraming proyekto para sa flood control ay palpak at gumuho, at ‘yung iba guni-guni lang.

“Wag na po tayong magkunwari. Alam naman ng buong madla na nagkakaraket sa mga proyekto,” aniya.

“Mga kickback, initiative, errata, SOP, for the boys. Kaya sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan, mahiya naman kayo sa inyong kapwa Filipino,” giit niya.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa baha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo, na ibinulsa n’yo lang ang pera,” anang Pangulo.

Sinabi ni Marcos an inatasan niya ang DPWH na magsumite ng lahat ng proyektong pang flood control sa bawat rehiyon sa nakalipas ng tatlong taon.

“Second, the regional project monitoring committee shall examine that list of projects, and give a report on those that had been failures, those that were not finished, and those that were alleged to be ghost projects,” aniya.

“And third, we will publish this list. Isasapubliko natin ang listahang ito. Kaya ang publiko na saksi sa mga proyektong ito ay malayang suriin ang listahan at magbahagi ng kanilang nalalaman para makatulong sa ating imbestigasyon.”

Sinabi niya na magkakaron ng audit report ang mga proyektong ito para malaman kung papaano ginastos ang pera ng bayan.

“Sa mga susunod na buwan, makakasohan ang lahat ng mga lalabas na may sala mula sa imbestigasyon pati ang mga kasabwat na mga kontratista sa bansa,” aniya.

“Kailangan malaman ng taongbayan ang buong katotohanan. Kailangang may managot sa naging pinsala at katiwalian.”

Nagbabala ang pangulo sa mga kongresista at senador na ibabalik niya ang ‘budge’ sakaling hindi ito tugma sa 2026  national expenditure program.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …