REALITY BITES
ni Dominic Rea
EFFORTLESS! Ganyan kung purihin ngayon si Jed Madela ng kanyang mga tagahanga pagkatapos ng Superhero concert niya last July 5 na ginanap sa Music Museum.
Walang kakupas-kupas ang World Champion at hindi pa rin matatawaran ang husay pagdating sa entablado.
Pinalakpakan ang bawat kanta ni Jed na easy lang sa kanya huh! Katuparan ito ng isa na namang milestone sa kanyang karera na parang birthday gift niya na rin hindi para sa sarili kundi para sa mga patuloy na nagmamahal sa kanya.
After ng concert, iikot naman abroad si Jed at pagbalik niya ay ipo-promote ang latest albun under Star Music. Kaabang-abang ang isang single nito sa album na may pamagat na Hindi Ko Alam! ‘Yun na!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com