REALITY BITES
ni Dominic Rea
BAGUHAN man sa mundo ng musika na last year ay inilunsad ang kanyang first single na Time Pers Muna under Star Music na pam-bagets, this year ay single na medyo upbeat ang aabangan kay Dwayne Garcia na komposisyon ni Direk Joven Tan.
This year din ay pinasok na rin ni Dwayne ang mundo ng pag-arte via Outside De Familia na ginagampanan ang papel ng isang apo ni Ruby Ruiz at anak ni Gelli De Belen. Nasa special screening kami at napanood naming napaka-natural umarte ng bagets.
Bukambibig ni Dwayne ang pasasalamat kay Direk Joven na siya ring direktor ng nasabing pelikula ng Gridline Film Productions ni Ana BC na mapapanood na rin soon sa mga sinehan nationwide.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com