ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
KILALA si Denise Esteban bilang isang sexy actress na humataw ang acting career sa kasagsagan ng panahon ng Vivamax.
Sa ilang taon ng paggiging bahagi niya sa mundo ng showbiz, marami na siyang nagawang movies. Mula sa pagiging pantasya ng maraming barako, si Denise ay unti-unting pinatutunayan na hindi lang siya sa hubaran at pag-ungol sa mga eksenang lampunangan, may ibubuga.
Last March ng taong ito ay isang malaking challenge sa pagiging aktres ni Denise ang ginawa niyang pagtawid sa teatro. Isa siya sa tampok sa play na ‘Anino sa Likod ng Buwan’.
First time niya lang itong nasubukan sa buong buhay ni Denise, pero maganda ang feedback sa performance rito ng aktres.
Ipinahayag ni Denise ang na-feel niya after ng pagtatanghal.
Aniya, “Sobrang sarap po palang magperform, ang sarap sa pakiramadam… parang nakaka-iyak.”
Pahabol pa ng dalaga, “Siguro ay nai-apply ko rin po rito sa pagtungtong ko sa teatro iyong mga napag-aralan ko sa pag-arte sa movies.”
Aminadong nahirapan daw siyang i-memorize ang kanyang mahahabang linya, pero unti-unti ay nakuha rin niya ito.
Mapangahas ang role niya rito, na kailangangang magpakita rin ng skin. Pero iba ang naging pakiramdam niya sa harap ng live audience.
Saan mas mahirap maghubad para sa kanya, sa teatro o sa pelikula?
Sagot niya, “Para sa akin po ay hindi siya mahirap, e. Kinakabahan po ako nang malala sa mga ganoong bagay. Hindi na po siguro mawawala iyon.
“Pero kitang-kita naman po kasi sa play na ito na hindi po siya basta pinaghubad ka lang, kasi kasama siya talaga sa kuwento.
“Although ganoon din naman po sa Vivamax na hindi kami naghuhubad nang basta-basta lang. Kasi kasama po siya sa kuwento, hindi kasi mabubuo iyong kuwento nang walang sex.
“So, same lang din po ang napi-feel ko, pero nandoon pa rin iyong kaba, hindi mawawala iyong kaba talaga,” nakangiting paliwanag pa niya.
Tampok sa play na Anino sa Likod ng Buwan sina Elora Españo, Martin del Rosario, Ross Pesigan, Denise, Vincent Pajara, at Edward Benosa. Directed by Tuxq Rutaquio, ito’y mula sa panulat ni Direk Jun Robles Lana.
May rerun ito sa October 17 to November 9 sa PETA Theater Center, Quezon City.
Ayon pa kay Denise, gusto niyang sumabak ulit sa teatro at game siya sa kakaibang challenge na ito sa kanya bilang aktres dahil masarap daw at iba talaga sa pakiramdam ang experience niyang ito.
Anyway, bukod sa Anino sa Likod ng Buwan, aabangan din si Denice sa upcoming movie niyang ‘Haplos Sa Hangin’ para sa VMX Film Festival.
Isa rin si Denise sa cast ng series na ‘Seducing Drake Palma’ na tinatampukan din nina Rabin Angeles, Mark Anthony Fernandez, at iba pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com