Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Rey Soldevilla

Showbiz nami-miss na ni Yasmien Kurdi, pero pamilya lagi niyang priority

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Yasmien Kurdi na nami-miss na niya ang showbiz.

Pahayag niya, “Yes po namni-miss ko ang showbiz, pero alam ko na malaki ang mawawala kung hindi ako magfo-focus sa kalagayan ng aking mga anak.”

Ang huling project na kanyang ginawa ay ang “The Missing Husband” noon pang 2023. Co-stars dito ni Yas (nickname ni Yasmien) sina Rocco Nacino, Nadine Samonte, Jak Roberto, Joross Gamboa, at iba pa.

Si Yas ay produkto ng original o first batch ng Starstruck 1 sa Kapuso Network. Siya ay masaya sa piling ng asawang piloto na si Rey Soldevilla at sa mga anak na sina Ayesha at Raya Layla Soldevilla.

Pansamantalang nagpahinga sa showbiz ang Kapuso actress nang isilang ang pangalawa at bunsong anak na si Raya Layla.

Inusisa namin siya kung ano ang kanyang priority sa buhay.

Tugon ng Kapuso actress, “Ang priority ko talaga ay ang aking pamilya, dahil nagtatrabaho ako para sa kanila. Pangalawa ay ang aking kita mula sa trabaho o negosyo, kasi alam kong ito ang tumutulong na sumuporta sa kanilang pangangailangan.

“Hindi ko paiiralin ang aking career kung ang aking mga anak ay nagdurusa. Wala rin kuwenta ang mga kinikita ko kung nakikita kong naaapi sila.

“Ang tunay na sukatan ng tagumpay ko ay ang kanilang kasiyahan at magandang kalagayan,” mariin pa niyang pahayag.

Mas nag-focus sa pamilya si Ms. Yas nang ang kanyang eldest daughter ay nakaranas ng pambu-bully sa dating school niya.

Nang kumustahin namin si Ayesha, sinabi ng aktres na ongoing pa rin ang therapy sessions ng anak. Ayon pa sa kanya, “Pinuno ko siya ng maraming activities upang maging busy siya at mapanatili ang kanyang sigla sa katatapos lang na summer.”

Pagdating pa rin sa usapang showbiz, ano ang kanyang dream role?

Esplika niya, “Gusto kong gawin ang isang role na very timely, inspiring, at may impact sa society… mga ganitong proyekto na tulad ng isang sundalo o police officer. Gusto ko rin maging bahagi ng isang period drama, na may kinalaman sa kasaysayan.”

Sino pa ang actors na wish niyang makatrabaho?

“Ang dami kong gustong makatrabaho. Gusto kong makatrabaho ang mga taong hindi ko pa nakatrabaho at mga artistang mula sa ibang network. Kasi hindi pa kami nabibigyan ng pagkakataon na magkatrabaho noon, dahil nasa iba’t ibang network kami.”

Sa ngayon ba ay may niluluto nang TV project sa kanya?

“Wala po akong project na gagawin. Pero ang gusto ko sana, iyong project na may relevant issues na makare-relate ang mga tao.

“Puwede rin na isang project na sci/fi and mental/psychological movies or series,” sambit ng aktres.

If may offer na mag-guest sa mga TV series, payag naman daw si Ms. Yas.

“Okay lang naman po sa akin iyon, basta okay iyong role na ibibigay sa akin… Gaya ng sabi ko po, iyong nakai-inspire or challenging gampanan,” pakli pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …