SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
ALMOST six years din bago nakabalik sa pag-arte si Jessy Mendiola pero wala namang grabeng paghahanda ang aktres.
Sa Spotlight media conference ng Star Magic, sinabi ni Jessy na ang mga taong nakapaligid sa kanya ang naghanda sa kanyang pagbabalik.
“If it really meant for you, it will fall into place,” giit ni Jessy. “Hindi lang din talaga ako sobrang naghanda, nangyari na lang siya. Naka-focus ako noong campaign. Naka-focus ako na kailangang samahan ko ang asawa ko,” dagdag ng mommy ni Rosie.
“So noong dumating na sa point na mag-start na ang show ko, nasabi ko na lang na, ‘ay start na pala tayo.’ It’s more of mga makakatrabaho ko, like FM Reyes, Ms Julie Anne, sila ang naghanda sa akin para makabalik.
“ And of course Star Magic parang kinondisyon nila ako, tinanong nila ako kung ok na ako, handa na ako. And I conditioned myself na okey, makukuha ang oras ko sa taping but I need also to be healthy.
“So it’s more of that. Mas inihanda ko ang mind ko hindi physically kasi kahit naman noong kakapanganak ko pa lang kay Rosie, nag-alaga na ako ng sarili ko. But ang mental mind conditioning talaga when it comes to work, more of that. Iyon ang ginawa kong paghahanda.”
At kahit may Rosie na kapansin-pansin na naalagaan ni Jessy ang katawan. Seksing-seksi pa rin ang aktres at may mga nagsasabing, mas sumeksi pa ito nang magka-anak. Anong sikreto?
“Talaga ba? Kakahabol ng bagets, ha ha ha,” natatawang wika nito.
“Secret? Oh my God I wish I had a secret, pero wala.
“Ano talaga, happy lang talaga ako. I guess kapag happy ka lumalabas iyon eh. You learn to take care of yourself more. For me, important talaga na maalagaan ko ‘yung sarili ko not only for myself but also for my husband and my daughter, for may families.
“Sabi ko hindi ako dapat hinihingal kapag hinahabol ko si bagets. Kailangan talagang ano ako kahit puyat ako mabilis akong kumilos. Kahit pagod ako may energy ako. So it just really about taking care of yoursel. Kaya siguro lumalabas, kasi happy ako sa family ko,” pagmamalaki pa ni Jessy ukol sa kanyang pamilya.
At ang sikreto ng pagiging sexy ni Jessy, madalas siyang kumain pero small amount.
“I don’t have a diet, but the secret for me, I eat small meals throughout the day. I cannot go on for like the whole day na walang kinakain masyado. But I don’t eat a lot na isang biglaan.
“Example sa umaga I eat breakfast then may snack pa ako after snack lunch, may meryenda ako then dinner. Ganoon ako sa buong araw. Hindi pwedeng walang kinakain, basta small meals kaya siguro ako pumayat kasi nabu-burn agad,” pagbabahagi pa ng magandang aktres.
Natanong naman si Jessy kung anong project ang gusto pang gawain?
Sagot ng misis ni Luis Manzano, “Gusto kong mag sitcom with Luis or with momskie Vilma if times permit.
“Matagal ko nang gustong gumawa ng sitcom.
“Kung movie man gusto ko ng mala-‘Taken’ pero mother’s point of view. Or something very different kasi gusto ko this time ang goal ko eh, manalo ng award.
“So maybe something different sa mga usual na ginagawa ko. Kaya sana,” wika pa ni Jessy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com