Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gumabao Cristine Reyes Gio Tingson Ogie Diaz

Ogie ibinuking, Cristine may bagong pag-ibig, naka-move on na kay Marco 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez


IBINUNYAG ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz na naka-move-on na ang aktres na si Cristine Reyes sa kanyang relasyon kay Marco Gumabao at nakatagpo na ng bagong pag-ibig.

“Cristine, naka-move on na kay Marco Gumabao,” pahayag ni Ogie sa kanyang online show na Ogie Diaz Showbiz Update, at pinangalanan pa ang bagong inspirasyon ng aktres sa katauhan ni Gio Tingson.

Ayon kay Ogie, kamakailan nagsimulang mag-date sina Cristine at Gio. Si Cristine ay kilalang endorser ni Senador Imee Marcos, samantalang si Gio ay nagsilbing isa sa mga campaign strategist ni Senador Bam Aquino noong 2025 elections.

“So lagi silang nagkikita nitong si Cristine Reyes, kaya feeling ko naka-move on na si Cristine
,” dagdag pa ni Ogie.

Ipinakita rin ni Ogie ang ilang social media posts na magkasama sina Cristine at Gio, kabilang na ang isang larawan na nakapulupot ang braso ni Cristine sa braso ni Tingson.

Iniulat naman ng Politiko.com na matagal nang magkakilala sina Cristine at Gio at nabalita pang magkarelasyon noong 2009.

Ayon din sa nasabing news website, kasalukuyang nagtatrabaho si Gio bilang head of public affairs ng Grab Philippines at dati ring chairperson ng National Youth Commission.

Wala naman sigurong masama kung may bagong pag-ibig si Cristine dahil very much single naman siya ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …