Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Knife Blood

Ayaw mag-ambag sa inuman, 2 tindero patay sa saksak

NAUWI sa trahedya ang isang inuman sa bayan ng Pili, lalawigan ng Camarines Sur matapos saksakin ng isang tindero ang dalawang kapwa niya tindero matapos tumangging mag-ambag ng pera pambili ng alak nitong Lunes ng gabi, 23 Hunyo.

Kinilala ni P/Lt. Col. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, ang mga biktimang sina Mario Mansigin at Gaspar Felipe.

Base sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman ang mga biktima at ang suspek na kinilalang si Novo Tadulma, nang hingan sila ng huli ng perang pambili ng alak.

Nagalit ang mga biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang kumuha ng kutsilyo ang suspek saka pinagsasaksak ang mga biktima.

Dinala ang mga biktima sa pagamutan kung saan sila idineklarang wala nang buhay.

Samantala, nadakip si Tadulma ng mga nagrespondeng mga pulis at kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Pili MPS.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …