Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mining Quezon Nueva Vizcaya

5 minero natagpuang patay sa Nueva Vizcaya

LIMANG LALAKI ang natagpuangwala nang buhay, pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na pagmimina sa isang tunnel sa FCF Compound, Brgy. Runruno, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Nueva Vizcaya, nitong Martes, 24 Hunyo.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Daniel Paggana, 47 anyos, Lipihon Ayudan, 56, Florencio Indopia, 63, pawang residente sa Barangay Runruno;  Alfred Bilibli at Joval Bantiyan, kapwa residente sa Barangay Cabuan, Maddela, Quirino.

Sa imbestigasyon, nadiskubre ng kanilang kapwa minerong si Russel Tumapang, 29 anyos, ang mga katawan ng mga biktima.

Iniulat ni John Babliing, barangay chairman ng Brgy. Runruno, sa Quezon MPS ang natuklasang mga labi sa lugar na kaniyang nasasakupan.

Tinatayang may lalim na 300 metro ang tunnel at hindi nakalabas ang mga biktima dahil sa kakulangan sa oxygen.

Patuloy na isinasagawa ang retrieval operations upang makuha lahat ng katawan ng mga biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Norzagaray Bulacan police PNP

Top 10 MWP sa Norzagaray, arestado sa kasong statutory rape

NAARESTO ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang lalaki na nakalista bilang …

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …

Dead body, feet

Sa San Ildefonso, Bulacan
Kargador natagpuang patay sa by-pass road

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang manggagawa sa gilid ng bypass road sa bayan …

Police line do not cross

Sa Nueva Ecija
Bangkay ng mag-asawa itinapon sa irigasyon

NATAGPUAN ang mga labi ng matandang mag-asawa na halos limang araw nang nawawala na nakasilid …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …