Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz RS Francisco Crispina Belen

Ogie Diaz, RS Francisco, Crispina Belen pararangalan sa 8th EDDYS 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAHALAGANG bahagi sa taunang Entertainment Editors’ Choice (The EDDYS), na ngayon ay nasa ikawalong taon na, ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), ang pagkilala sa natatanging miyembro ng entertainment media.

Ngayong taon, ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa showbiz columnist, TV-online host at content creator na si Ogie Diaz habang ang Manny Pichel Award ay igagawad sa dating entertainment editor na si Crispina Belen.

Si Quirino o JQ ay isang entertainment columnist na sumikat bilang host sa telebisyon noong 1970s at 1980s. Habang si Pichel ay isang mahusay na entertainment broadsheet editor/writer.

Para naman sa Isah V. Red Award na ipinagkakaloob ng The EDDYS taon-taon sa mga personalidad na walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan, ipagkakaloob ito sa actor-entrepreneur-producer na si RS Francisco.

Kabilang din sa magiging highlight ng ika-8 edisyon ng The EDDYS ang pagkilala at pagbibigay-parangal sa anim na Movie Icons – sila ay ang mga respetadong veteran star na sina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, Pen Medina, at mag-asawang Rosemarie Gil at Eddie Mesa.

Ang 8th EDDYS ay gaganapin sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City, at magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.

Mamimigay din ng 14 acting at technical awards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.

Pararangalan din sa 8th EDDYS ang Producer of the Year at Rising Producer of the Year.

Muli ring bibigyang-pugay ng samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, na binubuo ng mga kasalukuyan at datihang entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals, ang mga tumaya para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes.  

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididireheng muli ni Eric Quizon.

Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …