Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCPD Quezon City Police District Anti-Cybercrime

P10-M halaga ng ninakaw na electronic device sa QC  narekober sa Imus, Cavite

NABAWI ng mga awtoridad sa bayan ng Imus, Cavite ang P10-milyong halaga ng mga high-end security camera at iba pang mga electronic device na ipinadala mula Quezon City patungong Makati sa pamamagitan ng delivery service application.

Nadiskubre ng mga tauhan ng Quezon City Police District Anti-Cybercrime ang mga kahong naglalaman ng ninakaw na mga produkto sa isang bahay sa Imus, Cavite.

Nakita rin ng mga awtoridad ang kaparehong mga produkto sa isang bahay sa Kawit, Cavite.

Ayon kay P/Lt. Crisostomo Ubac, halos isang oras matapos ma-pick up ang mga kahon, nakita ng biktima na tila hindi gumagalaw ang icon sa mobile application.

Nang tinawagan nila ang delivery vehicle, sinabi ng suspek na may ibinaba lang silang ibang mga gamit at may isinabay na booking ngunit makalipas ang dalawang oras, hindi pa rin nakararating sa Makati ang ipinadala ng biktima.

Hindi naibaba sa drop-off point sa Makati ang ipinadalang mga produkto galing ng Quezon City at kalaunan ay nakatanggap ng mga mensahe ang biktima mula sa mga suspek na nanghihingi ng pera kapalit ng mga produkto.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act, robbery extortion, at theft sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …