Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pasaherong nakatulog ni-rape na ninakawan pa TNVS DRIVER NASAKOTE NG NBI
NASAKOTE sa ikinasang hot pursuit operations ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang TNVS driver na kinilalang si Michael Lou Reuyan, itinurong gumahasa at pagkatapos ay ninakawan ang babaeng naging pasahero niya sa Parañaque City nitong Linggo, 15 Hunyo 2025. Iniharap ni NBI NCR Director at Spokesperson Ferdinand Lavin ang suspek sa media, na umamin sa kanyang ginawa sa biktima. (EJ DREW)

Pasaherong nakatulog ni-rape na ninakawan pa  
TNVS DRIVER NASAKOTE NG NBI

TIMBOG sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang transportation network vehicle service (TNVS) driver na gumahasa at tumangay sa bag at suot na kuwintas ng babaeng kanyang pasahero, sa isang hot pursuit operation sa Cainta, Rizal, nitong nakaraang Lunes, 16 Hunyo.

Iniharap nitong Huwebes ni NBI-NCR Director and Spokesperson Ferdinand Lavin sa media ang suspek na si alyas Michael pagkatapos sumailalim sa inquest proceedings sa reklamong Robbery with Rape.

Nag-ugat ang pag-aresto nang idulog sa NBI-National Capital Region (NCR) ang reklamo hinggil sa insidente nitong Linggo, 15 Hunyo 2025, dakong 3:00 ng madaling araw nang sumakay ang biktima sa nai-book na TNVS sa bahagi ng south Metro Manila.

Dahil sa labgis na antok ay nakatulog ang biktima ngunit nagising nang maramdaman na ginagahasa na siya ng suspek habang nakaparada ang sasakyan.

Sa kabila ng kanyang pag-iyak at pagmamakaawa sinuntok siya nito sa tiyan.

Nang makaraos, pumunta sa unahan ng sasakyan ang suspek kaya agad na lumabas ang biktima. Habang humihingi ng saklolo ay inagaw pa ng suspek ang kanyang bag na naglalaman ng mga personal na gamit, kabilang ang iPhone 16 sabay pinitas ang suot na kuwintas, bago mabilis na tumakas.

Kinabukasan, 16  Hunyo, idinulog ng biktima kasama ang kanyang mga magulang sa NBI-NCR ang nasabing insidente.

Natunton ang operator ng TNVS na siyang nagturo kung saan nakatira ang suspek.

Ilang oras na surveillance ang isinagawa hanggang mamataan ang suspek na sakay ng e-bike malapit sa bahay nito sa Cainta, Rizal, kung saan siya inaresto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …