Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Magalona

Hiro Magalona nakabalik kahit anim na taong nawala sa showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

NAG-UUMAPAW sa kasiyahan ang nagbabalik-showbiz na si Hiro Magalona dahil isa siya sa nabigyang parangal sa katatapos na Asia Pacific Topnotch Men and Women Achievers 2025 bilang Topnotch Young Actor of the Year.

Anim na taon nawala si Hiro sa showbiz at mas nag-focus sa pagnenegosyo at ngayon nga ay nagbabalik-showbiz.

At ang huling award na natanggap nito ay ang German Moreno Youth Achievement Award sa 62nd Famas Awards kasabay sina Ken Chan, Julia Barretto, Janine Guttierez, Jerome Ponce, at James Reid.

Nakatutuwa kasi after six years na nawala ako sa showbiz hindi ko inaakala na sa pagbabalik ko magkakasunod-sunod ‘yung project na gagawin ko at ngayon may award pa.

“Kaya naman nagpapasalamat ako sa pamunuan ng Asia Pacific Topnotch Men and Women Achievers Awards, lalong-lalo na sa founder nito na si Direk Romm Burlat.

“Nagpapasalamat din ako sa manager ko kay Tito John at gusto ko ring i-congratulate ‘yung iba pang mga awardee.”

Mapapanood si Hiro sa advocacy film na Aking Mga Anak ng DreamGo Productions at sa panulat at direksiyon ni Jun Miguel.

Makakasama nito sa pelikula sina Natasha Ledesma, Patani, Klinton Start, Ralph Dela Paz, Toni Co, Art Halili Jr, Jace Salada atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …