Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BARMM Rice Bigas

P680-M biniling bigas ng BARMM pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang sinabing pagbili ng bigas na nagkakahalaga ng P680 milyon na isinagawa ng Ministry of the Interior and Local Government (DILG) noong 2024.

Ayon sa ipinadalang sinumpaang salaysay ng mga nagrereklamo sa Office of the Ombudsman-Mindanao,  Office of the President, Senado, Office of the Speaker -BARMM at Commission on Audit, hiniling ng mga nagrereklamo ang imbestigasyon dito.

Nabatid sa mga nagreklamo, hiniling na itago ang mga pangalan upang maprotektahan ang kanilang seguridad, ang mga naturang transaksiyon ay labag sa procurement laws, transparency standards, at fiscal responsibility.

Anila, lahat ng kontrata para sa biniling bigas ay laging napupunta sa iisang supplier — ang JB Pharma & Trade Center, isang pharmaceutical distributor at walang kakayahang mag- supply ng agricultural products.

Sinabi ng mga nagrereklamo, sa isang transaksiyon pa lang, nalugi na ang gobyerno ng P15 milyon dahil sa paggawad ng kontratra sa JB Pharma samantala mayroong lowest bidder na lehitimong supplier ng agricultural products.

Ayon sa mga complainant, ang nabiling bigas ay lubhang napakamahal sa halagang P60 per kilo samantala mayroong P45 halaga nito sa merkado.

Nabatid na pinayagan ng ahensiya ang pagbili ng naturang bigas noong 24 Hulyo 2024 gamit ang 2023 MILG-READI Fund na nagkakahalaga ng P100.325 milyon kahit wala namang deklarasyon ng kalamidad.

Ngunit ayon sa mga nagreklamo, walang dumating na bigas gamit ang naturang budget at wala rin isinagawang distribusyon.

Anila, matagal nang kuwestiyon at isang malaking isyu laban sa ministry ang paghahati-hati ng kontrata o contract splitting upang maiwasan ang bidding na labag sa batas. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …