Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez MVN

Sylvia kinarir pagpapapayat

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PROUD na ipinakita sa amin ni Sylvia Sanchez kung gaano kaluwag ang suot-suot niyang pantalon noong hapong nakahuntahan namin ito sa Fresh International Buffet. Patunay na malaking timbang na ang nabawas at pumayat ang magaling na aktres.

Kahit hindi naman ipinakita ni Sylvia ang luwang ng suot na pantalon, kitang-kita naman sa hitsura na talagang pumayat ito. Talagang kinarir niya ang pagpapayat at malaki ang nabawas sa timbang.

Nasa France pa man si Sylvia, nagpapadala na ito ng mensahe sa amin na magpapa-presscon siyadahil nga sa tagumpay ng pelikulang ipinrodyus niya, ang Renoir na nakatanggap ng standing ovation mula sa audience nang ipalabas ito sa 78th Cannes Film Festival.

Pagbabalita ni Ibyang mas “energized and youthful” ang feeling niya ngayong pumayat na siya. “Two months akong nagseryoso. Ayan, maluwag na (suot na pantalon). Gusto ko pang pumayat.”

“Mahirap mag-diet lalo na kasi ang dami kong ganap at trips abroad at kung saan-saan. ‘Yung mga pagkain, ‘di ba? Ang hirap mag-control.

“Parang kinakawayan ako ng mga pagkain lalo noog pumunta kami ng Rome. Noong nasa Cannes ako, mas payat ako noon. Nag-gain ako ng five pounds kasi kain ako nang kain,” pagbabalika ni Sylvia.

Nagbawas ng timbang si Sylvia hindi dahil sa gusto lang niyang maging sexy. “Ang hirap na kasing yumuko. At saka, sabi ko, pupunta ako ng Cannes at sa iba pa, so gusto ko naman mag-gown ng maganda at maayos tingnan.

“135 pounds ang target pero tumatanda na ako, 50 na ako, eh. Pero ayoko naman ng surgery. Takot ako riyan. Huwag, sobra. Roon tayo sa tama. Tama lang na nakasuot ako ng gown sa Cannes,” wika pa ni Sylvia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …