Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DepEd Students

DepEd preparado sa pagpasok ng 27-M estudyante

HANDA na ang Department of Education (DepEd)sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa ngayong Lunes, 16 Hunyo.

Ayon kay Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” M. Angara, handang-handa na sila para sa pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral ngayong School Year 2025-2026.

“All systems go po ang lahat sa pagbubukas ng ating klase bukas, June 16,” aniya.

Samantala, ayon kay Dennis Legaspi, Media Relations chief ng Office of the Secretary ng DepEd, ang projected enrollment ng DepEd ngayong school year ay nasa 27 milyon.

Nakatakdang bisitahin ni Angara, kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Epifanio delos Santos Elementary School, sa Singalong St., sa Maynila, ganap na 9:00 ng umaga ngayong araw upang personal na makita ang sitwasyon ng pagbubukas ng klase.

Matatndaang pinadali at ginawang cost-effective ng DepEd ang pagpapa-enroll sa basic education school.

Pinasimple ng DepEd ang mga rekisitos na kakailanganin ng mga mag-aaral sa pag-e-enroll, na nagpapahintulot sa mga magulang na minsanan na lamang magsumite ng birth certificate ng kanilang mga anak, sa buong K-12 education, alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Marcos.

“We’ve heard from parents that enrollment can be challenging due to the paper requirements and missing records,” ani Angara. “This new policy means less expense and less hassle for our parents and families. They no need to secure the same documents every year, which eases their financial burden and makes our enrollment process more efficient.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …