Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Comelec Elections

Suspensiyon ng voter registration para sa BSKE posible — Comelec

POSIBLENG hindi matuloy ang nakatakdang voter registration na mag-uumpisa sa 1 Hulyo 2025 bilang paghahanda sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang idaos sa 1 Disyembre 2025 dahil sa mga panukalang ipagpaliban ang huli.

Kinompirma kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na posibleng magpasya silang ipagpaliban ang voter registration.

Kasunod ito nang napipintong pagpapalawig sa termino ng mga barangay at SK officials at panukalang ipagpaliban ang halalan.

Sinabi ni Garcia na dapat maunawaan nang lahat na ito ay isang political decision na hindi maaaring pakialaman ng Comelec, lalo ng kanilang legislative department.

Aniya, igagalang nila ang desisyon at tatalima sila sakaling matuloy ang panukalang pagpapaliban ng halalan.

Hihintayin rin aniya nila ang desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kung aaprobahan o ibi-veto ang naturang panukala.

Ang BSKE ay nakatakda iraos sa 1 Disyembre 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …