Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nicolas Torre III

PNP Chief Torre sa mga pulis:
Serbisyong may malasakit pairalin

MAGSERBISYO nang may malasakit.

               Mahigpit itong ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas D. Torre III sa kanyang mga tauhan na pairalin ang pagseserbisyo nang may malasakit para sa mas maayos na koneksiyon sa publiko.

Tiniyak ni Torre kasabay ng kanyang pahayag na walang pang-aabuso o extrajudicial killing na mangyayari habang siya ang hepe ng Pambansang Pulisya.

“Show compassion to those in distress, respond swiftly, and ensure the resolution of crimes,” ani Torre.

Ani Torre sa kanyang mga tauhan, walang puwang ang mga sangkot sa mga katiwalian at anomalya dahil buong organisasyon ang kanilang bitbit.

Gayonman, sinabi ni Torre na titiyakin niyang mabibigyan ng pagkilala ang mga tunay na nagtatrabaho at nagseserbisyo.

Aniya, alam niyang nakataya ang career at pangalan ng mga pulis na totoo sa pagtupad sa kanilang tungkulin kaya marapat lamang na kilalanin at bigyan ng parangal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …