Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MORE Power iloilo

P5-B kada taon, MORE Power nagpalago ng ekonomiya ng Iloilo City — UA&P study

NAGING mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Iloilo City sa nakalipas na limang taon sa malaking kontribusyon ng magandang serbisyo ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power), ayon sa isinagawang pag-aaral ng University of Asia and the Pacific (UA&P).

“On average, what is injected in the economy of Iloilo is close to P5 billion or almost 4% of the economy of the city of Iloilo. That’s quite significant,” pahayag ni UA&P President Winston Conrad Padojinog.

Ayon kay Padojinog ang naging malaking factor sa paglaki ng kita ay ang strategic investments at operational improvements na ginawa ng MORE Power, kabilang dito ang pagsasaayos ng mga equipment at system rehabilitation.

Aniya, nasa 3.8% gross city domestic product ang kontribusyon ng MORE Power kasama rito ang 2,200 trabaho na ibinibigay ng kompanya kada taon o katumbas ng P1.75 bilyong dagdag na kita.

“You could see that a reliable utility infrastructure, a reliable infrastructure provider, will have reverberating effects on an economy. So, the opposite can be true. If you have an unreliable service provider, it will lead to rent-seeking behavior,” pahayag ni Padojinog.

Aminado si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na ang pagpapalit ng kanilang distribution utility noong 2020 ang isa sa naging “crucial factor” sa tinatamasang magandang ekonomiya ngayon ng Iloilo City.

Aniya, ang magandang electrical landscape ang siyang unang dapat gawin ng mga local government units para mabuksan ang pinto para sa “economic growth”.

“Since taking over the city’s power distribution in 2020, MORE Power has played a crucial role in transforming Iloilo City,” pahayag ni Treñas.

Sinabi ni Treñas na ang isinasagawang “extensive infrastructure improvements” ng MORE Power mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong 2020 ay nagresulta sa totoong benepisyo para sa mga customers at sa local economy.

Ilan sa natapos na ng MORE Power ay ang rehabilitasyon ng Molo Substation na 23 taon hindi naisailalim sa maintenance; ang rehabilitasyon ng Jaro Substation na 31 taon nag-o-operate nang walang proper maintenance; ang pagsasaayos ng Mandurriao Substation na 28 taon din na walang tamang maintenance na nagresulta sa power interruption.

Sa ngayon ay bumaba sa 93% ang interruption frequency sa Iloilo City.

Nagtayo rin ang MORE Power ng bagong Control Center na may mapping software capability, real-time location mapping at 24/7 customer query response.

Nang magsimula ang MORE Power sa Iloilo City noong Marso 2020 ay nasa 30.10% ang system loss na pinapasan ng mga customer, makalipas ang anim na buwan ay agad itong naibaba sa 18.98% at makalipas ang limang taon, ngayong Abril 2025, ay 5.94% ang power system loss.

Sa loob ng 5 taon ay nasa kabuuang 6,838 ang napalitan na poste; 1,376 transformer ang naitayo; 56,794 ang nailagay na bagong electric meter.

Pinakamababa rin ang singil sa koryente ng MORE Power sa buong rehiyon na nasa P11.14Kwh.

Inilunsad ang MORE Konek o pagtiyak na mayroong koryente ang bawat kabahayan at walang illegal connection. Ibinaba sa barangay level ang aplikasyon para sa koryente kaya naman sa kasalukuyan ay nasa 100,070 na ang active customers mula sa 59,940 customers noong 2020.

Batay sa economic data ng Iloilo City, sa bawat P1 investment ng MORE Power ay P1.28 ang nagiging kontribusyon sa local economic activity.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …