TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na ligtas ang pagbabalik eskuwela ng mga estudyante sa 16 Hunyo.
Ang paniniyak ay ginawa ni Torre III kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na seguradohing ligtas ang mga mag-aaral, magulang, at guro sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.
Ginawa ni Torre III ang kanyang sinabi kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na siguraduhing ligtas ang mga mag-aaral, magulang at guro sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.
Una nang inianunsiyo ni PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo na nasa 37,000 pulis ang kanilang ipakakalat na nasa 5,000 rito ay itatalaga sa mga Police Assistance Desk sa mga eskuwelahan.
Giit ni Torre, nais niyang makita na kakampi at katuwang ng pulis ang publiko at hindi nakararamdam ng takot sa tuwing nakakikita ng pulis.
Dagdag ni Torre, prayoridad ng PNP ang seguridad ng bawat Filipino.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com