Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlon Bernardino nagkampeon sa Sali Chess Blitz Open
MAKIKITA si IM Chito Danilo Garma na naglalaro kasama si NM Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr.; ANG MGA KALAHOK at ang organizer mula kaliwa: IM Chito Danilo Garma, Noel Jay Estacio, Gilo Estrella, IM Yves Ranola, NM Zulfikar Sali (tournament organizer/sponsor), Leo Peñaredondo, Luffe Magdalaga, Ruther Barredo, Princess Nicole Atenta Ballete, NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. (Kampeon), at Christopher Megino.

Bernardino nagkampeon sa Sali Chess Blitz Open

MAKATI CITY — Nagbigay ng draw si National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., sa kanyang huling laban laban kontra kay Leo Peñaredondo sapat para magkampeon sa katatapos na National Master Zulfikar Sali Blitz Open Round Robin Chess Tournament na ginanap sa New World Hotel sa Makati City nitong Linggo, 8 Hunyo 2025.

Si Bernardino, isang beteranong sportswriter at radio commentator, ay nagtapos na may 6.0 puntos mula sa 5 panalo, 2 draw, at 2 pagkatalo upang mamuno sa 10-man field at nakakuha ng P3,000 premyo.

Pasok sa top 10 sina IM Yves Ranola, Luffe Magdalaga, IM Chito Danilo Garma, Princess Nicole Atenta Ballete, Gilo Estrella, Christopher Megino, Ruther Barredo, Noel Jay Estacio, at Leo Peñaredondo, ayon sa pagkakasunod-sunod.

“Masaya ako sa panalo sa National Master Zulfikar Sali Blitz Open Round Robin Chess Tournament. Nais kong pasalamatan si National Master Zulfikar Sali sa pag-sponsor ng 10-man field Blitz Open Round Robin Chess Tournament na ito,” sabi ng 47-anyos na si Bernardino, na handa nang makipagkompetensiya sa 23rd  ASEAN +Age-Group Chess Championships na gaganapin sa 1-11 Hulyo 2025 sa Main Ballroom ng Berjaya Penang Hotel sa Penang, Malaysia kasama sina GM Rogelio Antonio Jr., IM Jose Efren Bagamasbad, at IM Angelo Young sa imbitasyon nina Malaysian Chess Federation Deputy President, Penang Chess Association President Atty. See Swee Sie, at Mr. Ignatius Leong.

Maaalala na si NM Bernardino ay naghari sa Dugout 1594 Armageddon 8 Rapid Chess Tournament noong 31 Enero 2025 sa Dugout 1594 Restaurant E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Nanalo rin siya sa Single Knockout Armageddon Tournament (SiKAT) noong 6 Disyembre 2024 sa Pavilion Mall, Greenfield District sa Mandaluyong City.

Si Bernardino ay nakakuha ng pangkalahatang ika-7 puwesto sa ika-16 Penang Heritage City International Chess Open 2024 Chess Championship na ginanap 23-27 Disyembre 2024 sa UOW Malaysia KDU Penang University College (Georgetown) sa Penang, Malaysia na umani ng 105 woodpushers.

Si Bernardino ang coach at delegation head ng Philippine chess team na nanalo ng 2 gold at 1 bronze medal sa ika-32 FIDE World Senior Chess Championship na ginanap sa Hotel Baleira, Porto Santo Island, Portugal 16-29 Nobyembre 2024.

Nagkampeon si Bernardino sa 3rd Laos International Chess Open 2024 na ginanap sa ikalawang palapag ng Parkson@ Naga Mall sa Vientiane, Laos 1-6 Setyembre 2024.

Kabilang sa mga sumusuporta sa kanyang chess campaign sa bansa at ibayong dagat sina ALC Group of Companies Chairman at CEO Edgard Cabangon, International Billiard and Snooker Champion Marlon Manalo, at Mr. Jessie Villasin. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …