Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arvie Lozano Vientiane Open FIDE Rated Standard Chess Tournament
NASA larawan sina Deputy President/General Secretary ng Laos Chess Federation, Mr. Vilavane Inthava, WNM Arvie Lozano (kampeon), at FM Robert Suelo Jr.

WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos

WALANG makalalapit kay Woman National Master Arvie Lozano kapag nasa paligsahan na siya.

Gaya ng inaasahan, ang Bangkok, Thailand based na si Lozano ay nakakuha ng perpektong 5.0 puntos upang magkampeon sa ika-3 Vientiane Open FIDE Rated Standard Chess Tournament na ginanap noong 31 Mayo hanggang 1 Hunyo 2025 sa National Olympic Committee, Vientiane Capital, Laos.

               Si WNM Lozano, na naglalaro para sa Manila Load Manna Knights sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), ay nakakuha ng 1 milyong kip na premyo at tropeo sa pagkapanalo sa FIDE standard tournament, na may mahigit 45 kalahok.

Tinalo niya sina Sean Michael Manalo ng Filipinas sa unang round, Mark Goodrich ng England sa ikalawang round, Woman Candidate Master Inthavong Maly ng Laos sa ikatlong round, Phaktong Vilaphen ng Laos sa ikaapat na round, at si Yupan Fan ng China sa ikalima at huling round.

“Gusto kong ialay ang aking tagumpay sa aking mga kababayan,” sabi ni WNM Lozano, dating pangunahing manlalaro ng multi-titled Rizal Technological University noong kanyang mga panahon sa kolehiyo.

Si Souminta Yomvilath ng Laos ay pumangalawa na may 4.5 puntos, kasunod sina Zirui Wang ng China, Yupan Fan ng China, Bounthanh Inthavong ng Laos, Khonsavanh Senglek ng Laos, at Zhiyuan Tan ng China na nakakuha ng tig-4.0 puntos. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …