Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Anderson Julia Barretto Toni Gonzaga

Gerald iginiit sila pa rin ni Julia: she’s very mapagmahal

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MARIING itinanggi ni Gerald Anderson na naghiwalay na sila ng girlfriend na si Julia Barretto.

Ang paglilinaw ay isinagawa ni Gerald sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga para sa online show nitong Toni Talks.

Sa show ay napag-usapan ang estado ng relasyon nila ni Julia. Napag-uusapan kasi na break na ang celebrity couple matapos mapansin ng mga netizen na hindi na nagpo-post ang dalawa ng mga litrato nila na magkasama.

Paglilinaw ni Gerald, “No, we’re okay. Kanina hinatid ko siya sa airport.” Inihatid ni Gerald ang aktres patungong Dubai.

Ani Gerald, masayang-masaya siya sa relasyon niya kay Julia na pinanggagalingan ng kanyang kaligayahan ngayon.

Pinuri pa niya si Julia kung gaano ito magpakita ng pagmamahal sa kanya.

Siguro, for one, it’s deeper. I think seven years yata ang agwat namin. Si Julia is very mapagmahal, very motherly, manang-mana siya kay Tita Marj (Marjorie Barretto), ‘yung mommy niya.

“‘Yung values na mayroon siya, ‘yung love na ibinibigay niya, ‘yung support na ibinibigay niya. It inspires me to be better and give ‘yung 100 percent ko and ‘yung best version ko,” sabi pa ni Gerald.

Iginiit pa ni Gerald na naniniwala siya sa kahalagahan ng commitment at sa destiny.

Kapag sila, sila talaga, walang iba.”

Idinagdag pa ni Gerald na imposible sa tulad niyang artista na hindi rin mainlab sa kapwa artista.

 “It’s almost impossible especially sa work natin, sa environment, sa situations, na hindi ka mapo-fall.

“And everything is, ibinabato na lang sa ’yo lahat. It’s very hard not to fall into that.

“In terms of mga past relationships ko, never akong nagkaroon ng regret. Because happy ako noong time na ‘yun, eh.

“Alam ko naman ‘yung nangyari, eh. Hindi ko sinasabing maganda. At the end of the day, naging failure ako, eh. Because nag-fail ‘yung relationship ko. It was more on my part. And more on sana na-handle ko ng mas maayos.

“I could’ve been a better person, a better partner. I should’ve been better sa process na ‘yun. ‘Yun lang ‘yung naging focus ko, instead of the feelings ng mga taong kasama ko,” wika pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …