Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

MTRCB, katuwang sa pagsusulong ng Mental Health sa mga empleyado nito

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGDAOS ng Psychoeducation Seminar nitong Lunes, 26 Mayo, ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para mapaigting ang kaalaman ng mga empleyado ng Ahensiya tungkol sa mental health awareness.

Parte ito ng inisyatiba ng Board sa ilalim ng pamumuno ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na mapangalagaan ang kalusugan sa MTRCB.

Pinangunahan ni Pat Ramirez, isang rehistradong psychometrician, ang talakayan tungkol sa mental health awareness, stress management, at mga batayang batas sa Ahensiya.

Binigyang-diin ni Sotto-Antonio ang kahalagahan ng malusog na kaisipan.

“Ang pangangalaga sa mentalidad ng ating mga empleyado sa MTRCB ay sumasalamin sa paniniwala ng Board na ang serbisyo publiko ay nagsisimula mismo sa atin,” sabi ni Sotto-Antonio.

Aniya, “Ang mga empleyado ng gobyerno na may malusog na kaisipan ay tiyak na makapagbibigay ng propesyonal na serbisyo sa ating mga stakeholder at sa publiko.”

Ang programa ay mula sa dedikasyon ng Board na mapanatiling malusog ang mga kawani ng MTRCB at ligtas sila sa trabaho para mapaglingkuran  nang tama ang publiko at maisulong ang responsableng panonood sa  Bagong Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …