Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot umapela sa pamamagitan ng kanyang abogado: paggalang sa kanyang privacy

HINILING ng law firm na kumakatawan sa aktres na si Lotlot de Leon sa publiko na igalang ang personal na buhay ng aktres at iwasang sirain ang reputasyon nito at ang alaala ng kanyang inang si Nora Aunor.

Sa isang pahayag, binigyang diin ng Estur and Associates na hindi nila kukunsintihin ang online na pang-aabuso o panghihimasok sa privacy ng kanilang kliyente.

Narito ang kabuuang mensahe mula sa Estur and Associates sa pamamagitan ni  Atty. Mark Julius C. Estur:

“Ito ay nagsisilbing paunawa sa publiko na ang Estur & Associates Law Firm sa pamamagitan ng Managing Lawyer nito, Atty. Mark Julius C. Estur, ay opisyal na kumakatawan kay Ms. Charlotte Jennifer “Lotlot” Villamayor de Leon-El Soury sa lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa mga kamakailang pangyayari na naglagay sa kanya sa mali at mga mapanirang salaysay.

Bilang paggalang sa ating mahal na Nora Aunor, hiling namin sa publiko at media na igalang ang oras ng pagdadalamhati ng pamilya at Ms. de Leon. Nauunawaan namin na mataas ang interes ng publiko sa mga nangyayari ngunit gusto rin naming bigyan ng panahon na magluksa at alalahanin ang mga magandang alaala nila bilang pamilya.

Anumang mga alalahanin o isyu hinggil kay Ms Lot De Leon ay pwedeng talakayin sa tamang panahon at sa tamang lugar. Kasama dito ang hindi pagsagot sa kung anumang tugon o atake sa media or online.

Bilang panganay na anak ng ating Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts, Ms. Nora Aunor, si Ms Lot de Leon ay sisiguraduhin and pangalagaan ang alaala at dignidad ng kanyang ina at gawin ang mga kinakailangang hakbang upang protektahan ang mga karapatan at interes niya, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga kapatid, kabilang ang paghahain ng aksyon laban sa anumang online harassment, cyber bullying, diffamation at lahat ng mga gawa na sumisira sa reputasyon ng pamilya.

Hindi rin namin hahayaan ang anumang online abuse o breach of privacy, at gagawin namin ang lahat na legal na aksyon para matiyak na ang kanyang mga karapatan ay protektado at iginagalang.

Lahat ng hakbang ay sisiguraduhin nating nakatuon kami sa paghawak ng mga bagay na may propesyonalismo at tamang pagtalakay para na rin sa proteksiyon ng pamilya at lahat ng apektado. Kami naman ay makikipagtulungan sa tama at legal na paraan at naaayun na lugar.

Sa lahat ng nangyayari at sitwasyun, alam nating laging mayroong iba’t ibang salaysay at perspektibo or istorya, ngunit alam din natin na ang katotohanan ang palaging lalabas sa huli.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …