Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fire

MAG-ASAWA, 2 ANAK PATAY SA SUNOG
15-anyos binatilyong anak nakaligtas

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang guro, ang kaniyang asawa, at dalawa nilang anak sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng umaga, 21 Mayo.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Maricel Santos Caluag, 49 anyos, isang guro sa Bulihan Elementary School; kaniyang asawang si Phillip Caluag, 49 anyos; at kanilang mga anak na sina Felice, 18 anyos, at Julien Lucius, 10 anyos.

Samantala, nakaligtas sa sunog ngunit sugatan ang kanilang 15-anyos na anak na lalaking si Yan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa kalapit na pagamutan.

Ayon kay Malolos Fire Station chief investigator SF01 Erwin Parungao, nagsimula ang sunog dakong 4:00 ng madaling araw kahapon sa loob ng bahay ng pamilya Caluag, sa Alido Heights, Brgy. Bulihan, sa naturang lungsod.

Tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog dakong 4:18 ng madaling araw.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …