Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Zion Massage Chair Zion Soothing Haven Inc
(Left to right) Tricia Mamburam (VCM), Lulu Evangelista (VCM), Elizabeth “Betchay” Vidanes (Managing Director, VCM), Kathryn Bernardo, Lourdes Romero (Star Magic), Alan Real (Star Magic), Kali Vidanes (VCM)

Kathryn natagpuan na ang kanyang  ‘The One’

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAHANAP na ng Asia’s Superstar at Box Office Queen, Kathryn Bernardo ang kanyang ‘The One.’ Ito ay sa piling ng Zion Massage Chair ang personal soothing haven ng aktres.

Inanunsyo ng Zion Soothing Haven Inc. ang pagpili nila kayKathryn bilang pinakabagong brand ambassador. Pero higit pa ito sa simpleng endorsement— isa itong panawagan sa pagpapahalaga sa wellnessbalance, at self-care, mga bagay na matagal nang isinusulong ni Kath.

Ang partnership ay naging posible sa tulong ng VCM The Celebrity Source, sa pamumuno ng Endorsement Management Head na si Lulu Evangelista. Ito na ang ikalimang proyekto ni Kathryn sa VCM—isang patunay sa tiwala at mahabang samahan nina VCM Managing Director Elizabeth “Betchay” Alviar-Vidanes at Ms Lulu, ang manager ni Kathryn.

Kasama rin sa makasaysayang contract signing at shoot ang ilan sa mga mahalagang taong nasa likod ng proyekto: VCM Accounts & Business Development Managers Kali Vidanes at Tricia Mamburam, at Star Magic Marketing Head Alan Real, kasama ang masigasig na team mula sa VCM at Zion.

Nagsimula noong 2020 bilang isang negosyo sa furniture at home décor, ang Zion Soothing Haven Inc. ay mabilis na lumago at nakilala sa larangan ng wellness. Sa tulong ng kanilang signature massage chairs, AI-powered recliners, at home saunas, dinadala ng Zion ang advanced relaxation technology diretso sa tahanan ng bawat Filipino. Ang kanilang pangako ay simple pero makahulugan: Everybody deserves a soothing haven.

Ngayon, kasama na ni Kathryn si Heart Evangelista bilang brand ambassador, mas pinaigting pa ng Zion ang kanilang misyon—gawing abot-kamay at nakai-inspire ang kalusugan at kaginhawaan. Ang likas na ganda, pagiging totoo, at impluwensiya ni Kathryn ay swak na swak at sabrang pinahahalagahanng Zion: na ang pag-aalaga sa sarili ay hindi luho kundi isang pangangailangan.

Sa likod ng tagumpay na ito ang VCM The Celebrity Source, ang ahensiyang nasa likod ng ilan sa mga pinaka-iconic na partnership sa industriya. Pinamumunuan ni Betchay, naging tulay ang VCM sa maraming makabuluhang kampanya—mula kina Senator Robin at Mariel Padilla, hanggang kina Miss World Megan Young at asawang Mikael Daez, kapatid na si Emilio Daez, power coupleJuancho Trivino at Joyce Pring, at Kapuso actressJasmine Curtis Smith. At ngayong naghahanda na ang VCM sa isang smooth generational transition sa pangunguna ni Kali Vidanes na nagtapos ng MBA sa Marketing Management mula sa Asian Institute of Management at may malawak na kaalaman sa digital at influencer marketing, handa na ang VCM sa makabago at digital na panahon ng influencer-driven partnerships.

Ang pagtutulungan nina Kathryn at Zion Massage Chair ay hindi lang isang campaign—ito ay isang paanyaya na sandali tayong huminto, huminga, at muling tuklasin ang kahulugan ng kaginhawaan. Magkasama nilang pinaaalala sa atin na sa gitna ng gulo ng buhay, laging may puwang para mag-relax at magpahinga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …