Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Faney Nora Aunor Laurice Guillen Althea Ablan Gina Alajar Adolfo Alix Jr RS Francisco

Faney movie pa-tribute kay Nora Aunor

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SINUGOD ng mga nagmamahal kay Nora Aunor ang special screening kasabay ng pagdiriwang ng ika-72 kaarawan nito ang pelikulang pa-tribute sa pamumuno ni direk Adolfo Alix Jr., ang Faney.

Isinagawa ang special screening ng Faney na nagtatampok kina Laurice GuillenAlthea Ablan, at Gina Alajar sa Cinema 11 ng Gateway noong Miyerkoles ng gabi.

Kahit wala na ang National Artist for Film and Broadcast, buhay na buhay pa rin ang kanyang alaala sa nangyaring pa-tribute sa kanya sa pamamagitan ng Faney

Ang Faney ay isang makabagbag-damdaming pagpupugay at pagpaparangal ng mga Noranian na nagpapakita ng kanilang hindi natitinag na pagmamahal sa nag-iisang Superstar ng bansa.

We started this about two weeks ago… It all fell into place.

“The producers, we wanted umabot sa birthday ni Ate Guy. Mag-basbas na rin. Medyo tight schedule. I’m sure from heaven, natutuwa si Ate Guy dahil malapit sa kanya ito. Mahal niya ang fans.” 

Ang pelikula, na pinagbibidahan ni Laurice, ay kuwento ng isang  matandang Noranian na — sa kabila ng pakikipaglaban sa sakit — determinadong magbigay ng kanyang huling paggalang kay Nora— isang taos-pusong damdamin na sumasalamin sa mga karanasan ng maraming tapat na tagahanga na dumating para parangalan ang Superstar.  Bahagi ng pelikula ang mga Noranians sa totoong buhay.

Sa shoot namin, a couple participated. We needed help to recreate the wake. We are thankful game sila kasi more than anything it is their story,” pagbabahagi ni direk Alix. 

Layunin ng pelikula na maipakita ang malalim

Na koneksiyon ni Ate Guy sa kanyang mga tagahanga na tiyak marami ang makaka-relate lalo iyong mahigpit din ang paghanga sa kanilang idolo. 

Dumalo sa special screening ang anak ni Nora na si Ian kasama ang kanyang pamilya gayundin si Kenneth.

Happy birthday kay Mommy, and kahit ‘di natin siya kasama, buhay na buhay siya sa ating puso, buhay, isipan. Andito kami para ipakita pa rin na andito pa siya sa atin. Salamat sa pagmamahal niyo kay Mommy,” ani Ian.

Dumating din ang iba’t ibang grupo ng mga Noranian kabilang na ang mga kapwa niya senior citizen, na ang ilan sa kanila ay naging bahagi pa ng pelikula.

Present din sa event ang executive producers ng movie na sina RS Francisco, Sam Verzosa, Atty. Aldwin Alegre, at Cecille Bravo.

Ang Faney ay prodyus ng Frontrow Entertainment, Intele Builders, Noble Wolf, at AQ Films. To be announced pa kung kailan ipalalabas ang Faney sa mga sinehan.

Kasama rin sa pelikula sina Ian, Bembol Roco, Perla Bautista, at Roderick Paulate.

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni RS na noong 2019, bago mag-pandemic, plano niyang kunin sana sa kompanya nila ni Sam sina Nora at Vilma Santos para sa isang campaign.

Kausap na po namin sila parehas, nagkaroon lang ng pandemic. Sayang… So sana, kahit dito, makabawi man lang kami para sa ating Superstar,” sabi pa ni RS.

At nabuo ang ideang gawan ng tribute film si Nora nang makausap ni RS si Direk Adolf.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …