Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Traffic, NCR, Metro Manila

Sa Lunes, 26 Mayo
NCAP MULING IPATUTUPAD

TULOY ang implementasyonang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Lunes, 26 Mayo, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes.

Ito ay matapos paboran ng Korte Suprema nitong Martes, 20 Mayo, ang inihaing urgent motion to lift temporary restraining order (TRO) ng Office of the Solicitor General sa suspensiyon ng NCAP noong Agosto 2022.

Inilinaw ng Korte Suprema, na partially lifted lang ang TRO kaya’t saklaw lamang ang mga pangunahing lansangan kabilang ang EDSA at C5.

Ikinatuwa ng MMDA ang desisyon na nagsabing magbibigay-daan ito sa mas epektibong solusyon na mapaluwag ang mabigat na trapiko, lalo na sa napipintong rehabilitasyon ng EDSA.

“With the announced scheduled massive rehabilitation of EDSA, which is set to commence on June 13, the MMDA expects heavier traffic,” ayon sa MMDA.

Sa sandaling maibalik, inaasahang palalakasin ng NCAP ang traffic management ng MMDA sa kahabaan ng EDSA at iba pang mga pangunahing daanan sa pamamagitan ng paggamit ng mga closed-circuit television (CCTV) camera, digital camera, at iba pang teknolohiya upang kumuha ng mga video at larawan ng mga lumalabag sa trapiko, magtala ng mga paglabag sa trapiko, at mag-isyu ng mga citation.

Tiniyak ng MMDA sa mga petisyoner na kumukuwestiyon sa NCAP na ang kanilang mga alalahanin ay natugunan sa single ticketing system at sa bagong mga alituntunin ng NCAP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …