Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sex video

Sa Gen. Nakar, Quezon
Kelot timbog sa ‘sextortion’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 19-anyos lalaki matapos tangkaing kikilan ang isang 18-anyos babae kapalit ng hindi niya paglalabas ng umano’y mga sex video ng huli, sa bayan ng General Nakar, lalawigan ng Quezon, nitong Martes, 20 Mayo.

Ayon sa imbestigasyon, pinipilit hingan ng suspek na kinilalang si alyas Jade ng P5,000 ang biktimang si alyas Neca kapalit ng hindi niya paglalabas ng mga maseselang larawan at video sa social media.

Anang pulisya, nakatanggap ng mga mensahe ang biktima kalakip ang mga hubad na larawan at video bilang patunay na nasa pag-iingat ng suspek.

Hindi nag-atubiling magsampa ng reklamo ang biktima sa pulisya na siyang nagsagawa ng entrapment operation at nagresulta sa pagkakadakip ng suspek matapos matanggap ang pera sa pamamagitan ng kilalang e-wallet.

Narekober mula sa suspek ang limang P1,000 bill at cellphone na pinaniniwalaang kaniyang gamit sa panggigipit sa biktima.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa mga kasong cybercrime at robbery-extortion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …