Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa minamahal na Bayan ni FPJ
FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST, NO.1 SA SAN CARLOS, PANGASINAN

052125 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Opisyal nang kinilala ang FPJ Panday Bayanihan Partylist bilang nangungunang partylist sa lungsod ng San Carlos, ang bayan ng yumaong Fernando Poe Jr., matapos makakuha ng 17,145 boto. Ipinapakita nito ang matibay na suporta at tiwala ng komunidad sa adbokasiya at pamumuno ng partido.

Nagpahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat si Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, aniya:

“Masantos ya ngarem, edsikayun amin! Magandang hapon po sa inyong lahat! Nabigyan po tayo ng pagkakataon na magsilbi bilang inyong tagapaglingkod at representative ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa 20th Congress. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa adhikain ng pagtulong ni FPJ.”

Dagdag niya, “Para sa mga kababayan ko sa Pangasinan, taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong pagmamahal. Numero uno po ang FPJ Panday Bayanihan sa San Carlos City! Talagang solid FPJ po tayo riyan.”

Ipinapakita ng kanyang pahayag ang lalim ng kanyang pasasalamat at ang matibay na ugnayan ng partido sa mga taga-San Carlos.

Habang ipinagdiriwang ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang makabuluhang pagkilalang ito, muling pinagtitibay ng partido ang kanilang walang sawang pagsisilbi sa mga mamamayan ng San Carlos. Ang tagumpay na ito ay patunay ng pagkakaisa at matibay na paniniwala ng komunidad sa kanilang adbokasiya.

Tinitiyak ng FPJ Panday Bayanihan Partylist na makikinig ito sa boses ng bawat mamamayan, uunahin ang kanilang pangangailangan, at makikipagtulungan sa mga lokal na pinuno upang maisulong ang mga programang tunay na magpapabuti sa buhay ng bawat San Carlenian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …