Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romm Burlat

Parang abot ko ang kamay ng Diyos kapag nakatutulong sa mga nangangailangan — Direk Romm Burlat

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NABALITAAN namin kamakailan sa award-winning actor-director na si Romm Burlat ang kanyang naging

makabuluhang 62nd birthday celebration. Ito’y ginawa niya sa Duyan Ni Maria sa Mabalacat, Pampanga noong May 1.

Every year ginagawa ito ni Direk Romm na ang birthday talaga ay April 30.

Bakit sa Duyan ni Maria Children’s Home niya ito ginawa?

Esplika niya, “Every year kasi, iba-iba. Like Home For the Aged, cancer victims, autistic kids, rape victims, physically deformed kids, etcetera. This year, I decided to spend it with the abandoned and neglected children of Duyan Ni Maria in Mabalacat, Pampanga.”

Ayon pa kay Direk Romm, 12 years na niya itong ginagawa at nagsimula raw ito noong 2013.

“I started in 2013 with Hospicio de San Jose, tapos-tuloy-tuloy na.

“Naisipan kong gawin ito, kasi I feel like mas may mga taong nangangailangan ng tulong kaysa gagastos ako for parties in lavish celebrations with people. Masaya ako kapag marami akong napasayang tao. And it’s my way of returning the blessings God has given me,” pahayag niya.

Advocacy niya ba ito? “Yes. Because I know how it feels to have nothing.”

Ano ang pakiramdam kapag nakatutulong siya sa mga ganitong sitwasyon?

“Ibang klaseng kasiyahan ang nadarama ko kapag ginagawa ko ito. Ibang klase ang pakiramdam. Parang nabura lahat ang kamalian ko sa buhay, parang nabunutan ako ng tinik sa lahat ng mga pinagdadaanan ko.

“Masasabi ko rin na parang muli akong nabuhay… parang abot ko ang kamay ng Diyos kapag nakatutulong ako sa mga nangangailangan,” seryosong pahayag niya.

Nabanggit din niya ang mga ginawa nilang activities sa naturang event.

“Nagpapalaro ako, may entertainment din na sila mismo ang nag-perform. Tapos ay may gift giving, then nagpapakain sa isa’t isa sa kanila. Tapos magbibigay din ako ng cash sa head ng facility.”

Inusisa rin namin siya sa mga taong gusto niyang pasalamatn para sa project na ito.

“Unang-una ay si Mommy Tess Tolentino (na isang actress-movie producer na nasa likod ng TTP Productions), talagang palagi siyang supportive sa mga projects kong ito. Financially and morally, supportive siya.

“Nagpapasalamat din ako kina Mayor Jay Diaz ng City of Ilagan at kay PAO Chief, Atty. Persida Acosta. Lalo na kapag December, nagpapadala talaga sila for these worthwhile projects.”

Kabilang sa pinasalamatan ni Direk Romm sina Christina Aliada, Bong Delos Reyes, Cindyrella Mercado, Ped Asher Fajutnao, Dave Alapap, John Leirhon Alban, Yana, at TJ Valmocina.

Tinanong din namin si Direk Romm kung ano ang mga proyektong pinagkakaabalahan niya ngayon sa showbiz.

Aniya, “Tapos na ang pelikulang ‘Arapaap’ (na ang kahulugan ay Pangarap sa wikang Ilokano), starring sina Sabrina M, Jethro Ramirez, Elia Ilano, and Ralph dela Paz. And hopefully ay tuloy na ang matagal nang hinihintay na movie, itong Pira-Pirasong Pangarap.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …