Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Talisay Negros Occidental

Jeep tumaob sa Talisay, Negros Occidental 11 pasahero sugatan

SUGATAN ang 11 katao, kabilang ang limang menor de edad, nang tumaob ang sinasakyan nilang jeep sa Sitio Mambucano, Brgy. Cabatangan, sa lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental nitong Lunes ng umaga, 19 Mayo.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Rhazl Jim Jocson, deputy chief ng Talisay CPS, nagkaroon ng problema sa makina ang jeep habang binabagtas paakyat ang pakurbang kalsada.

Nawalan umano ng kontrol ang 49-anyos driver ng jeep dahilan upang ito ay umatras at tumagilid.

Dagdag ni Jocson, bigong maayos na makapagpalit ng gear sa kambiyo ang driver habang umaakyat sa kalsada.

Agad nilapatan ng paunang lunas ang lahat ng biktima saka dinala ang tatlo sa pagamutan na pinauwi din kalaunan.

Samantala, ligtas ang driver ng jeep at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang desisyon ng mga biktima kung siya ay sasampahan ng kaso.

Nabatid na magkakamag-anak ang mga pasahero mula sa Pulupandan, Negros Occidental at nirentahan ang jeep para sa kanilang outing sa Talisay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …