Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Candle

Apoy nagsimula sa kandila mag-utol na paslit patay, lolong magliligtas sugatan

HINDI nakaligtassa sunog ang magkapatid na kapwa menor de edad na natagpuang wala nang buhay habang sugatan ang kanilang lolo nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Purok Lison, Brgy. 1, Lungsod ng Bacolod, nitong Martes, 20 Mayo.

Naitala ang mga namatay na isang 8-anyos batang lalaki at kaniyang 6-anyos kapatid na babae.

Ayon kay Fire Officer 2 Rolin Paulan, chief arson investigator ng Bacolod City Fire Station, nagsimula ang sunog sa naiwang kandilang may sindi sa ibabaw ng mesang katabi ng higaan ng mga bata.

Dagdag niya, walang koryente sa naturang lugar simula 9:00 ng gabi noong Lunes, 19 Mayo.

Naiwan ang magkapatid na natutulog dahil lumabas ang kanilang ina upang bumili ng pagkain dakong 12:00 ng hatinggabi kahapon.

Iniulat sa mga awtoridad ang sunog dakong 2:19 ng madaling araw.

Dahil gawa sa light materials, tuluyang nawasak ang bahay ng mga biktima.

Samantala, sinubukang iligtas ng lolo ng mga bata na si Eduardo, 63 anyos, nakatira malapit sa kanilang bahay ngunit masyado nang malaki ang apoy at nakulong na ang mga biktima sa loob.

Sugatan ang lolo ng mga biktima na mayroong second degree burn sa kaniyang katawan.

Natagpuan ang mga biktima sa tabi ng dingding malapit sa kanilang higaan.

Tuluyang naapula ang apoy dakong 2:33 ng madaling araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …