Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang budget sa manual recount ng boto – Comelec

INIHAYAG kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan munang amiyendahan ang Republic Act No. 9369 o ang Automated Election Law o ‘di kaya ay magpasa ng bagong batas upang bigyang-daan ang pagdaraos ng manual recount.

Ginawa ni Garcia ang paglilinaw kasunod ng ilang panawagan na bilanging muli nang mano-mano ang mga boto sa katatapos na midterm polls noong nakaraang Lunes, 12 Mayo.

Ayon kay Garcia, ang layunin ng naturang batas ay magkaroon ng ‘full’ automated polls, na hindi na kinakailangan ng manual counting ng mga boto.

Sa kabila nito, nakasaad aniya sa batas ang pagdaraos ng random manual audit (RMA) na ang intensiyon ay maberipika kung tama ang ginagawang pagbibilang ng mga makina sa mga balota.

Dagdag ni Garcia, wala rin budget ang Comelec para sa manual recount ng mga balota.

“Wala po kasi tayong budget para riyan sa mga pagbibilang na ganyan kung talaga bang ‘yan ay pine-prescribe. Bakit? Simula noong 2010 na nag-automated election tayo, ay wala po tayong mga ganyang klaseng pagbilang,” ayon kay Garcia.

“Kung pagbibigyan natin sila, sino po magbibilang? Saan bibilangin? Magkano ang budget? Saan kukuhain ang budget? Anong proseso? Anong procedure ng pagbilang?”

Una nang sinabi ni Garcia na tanging isang election protest ang maaaring mag-trigger para sa manual recount ng mga boto.

Nitong Sabado, naiproklama na ng Comelec ang 12 nagwaging senador para sa 2025 midterm elections.

Ngayong araw, Lunes, 19 Mayo, nakatakdang iproklama ang mga nanalong partylist groups.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …