Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toby Tiangco

Tiangco nagpatalo sa ‘Alyansa’

051925 Hataw Frontpage

‘PALPAK’ ang pagtimon ni Alyansa campaign manager Toby Tiangco sa mga kandidato ng administrasyon sa katatapos na midterm elections.

               Pinag-uusapan ito ng mga political spectator, at mismong sa hanay ng alyansa base sa resulta ng katatapos na eleksiyon.

Anila, mismong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay nagsabi na mas maganda sana ang resulta ng kampanya — ngunit halos sa buong kapuluan tambak ang Alyansa, bugbog sa Mindanao, bokya sa overseas voting ng OFW sa Asia Pacific, Middle East, America, at Europa.

Lumalabas umano na hindi binigyang pansin ni Tiangco ang impeachment issue kahit na ang mayorya ng mga bumoto ay kampi sa pagsulong nito dahil sa mabibigat na krimen na isinampa laban kay VP Sara Duterte lalo na sa korupsiyon sa kanyang confidential funds.

Kaya hindi nagamit ng Alyansa ang isyu sa mga nakababatang botante na siyang may pinakamalaking bilang ng mga bumoto. Hindi bumoto si Tiangco bilang kongresista sa pag-impeach kay VP Sara.

Nagkagulo sa local elections na ang mga kaalyansa ng administrasyon ay naglaban-laban kaya hindi nila nabigyan ng pansin ang Alyansa candidates.

Sinisisi ni Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Sangki Mangudadatu ang mga lider ng Alyansa sa “sobrang politika imbes na serbisyo sa tao.”

“Walang naramdaman na tulong ang ating mga kababayan kaya wala silang (Ang Alyansa) nakuhang suporta.”

Aniya, “Dahil hindi naramdaman agad-agad because of politics, nagkaroon ng away, nagkaroon ng national divide, inuna ‘yung politika, ang nakita tuloy ng taongbayan ay ‘yung mga performance ng nakaraang administrasyon…may mga programa na hindi tinuloy, may pondo pero dahil sa politika, sinabi na huwag na muna ituloy.” (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …