Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Kevin Labog

Mas pinasayang weekend trip at bagong ‘Primetime Primera’ hatid ng TV5

TODO ang sayang hatid ng TV5 sa mga bagong weekend and early primetime offerings na hitik sa blockbuster lineup ng mga nagbabalik at pina-bonggang fan favorites at mga bagong programang inaabangan ng maraming manonood.

Simula nitong weekend, nagbalik na ang Emojination sa ika-lima nitong season na tiyak emoji-filled sa saya at katatawanan tuwing Sabado ng 5:30 p.m..

Ang OG bida-oke ng bansa na Sing Galing ay twice a week nang mapapanood—tuwing  Sabado ng 6:15 p.m. at Linggo ng 6:30 p.m.—para sa nag-uumapaw na kantawanan para sa buong pamilya.

Huwag din palampasin ang comeback ng Masked Singer Pilipinas sa ikatlong season nito. Double the mystery nga at MASKED pinasaya ang kantahan at hulaan tuwing Sabado ng 8:30 p.m. at Linggo ng 8:45 p.m..

Dagdag excitement din ang bagong Primetime Primera block mula Lunes hanggang Biyernes, na magsisimula sa Mayo 19. Ito ang bagong tambayan ng mga primera-klaseng programa na tatatak sa puso ng manonood.

Bubungad sa bagong Primetime Primera tuwing 5:30 p.m. ang Una sa Lahat, isang makabagong news program na anchored ng seasoned at award-winning journalist na si Jiggy Manicad. Hatid ng programa ang most important headlines for the day—live at real-time, mula mismo sa pinangyayarihan ng mga balita.

Kasunod nito ang primetime newscast na Frontline Pilipinas ng 6:00 p.m. na patuloy na naghahatid ng mapagkakatiwalaan, makabuluhan, at napapanahong balita para sa bawat Filipino.

Ang viral at trending youth series na Ang Mutya ng Section E ay mapapanood na rin sa telebisyon simula May 19 ng 6:45 p.m.. Tampok dito ang mga fresh at fast-rising stars na sina Ashtine Olviga, Andres Muhlach, at Rabin Angeles na handa nang dalhin ang kilig, riot, at feels ng hit online series sa free TV.

Hindi rin pahuhuli ang primetime action drama na Totoy Bato na pinagbibidahan ni Kiko Estrada, dala ang intensity at laban para sa hustisya, napapanood tuwing 7:15 p.m..

Ang Totoy Bato at Ang Mutya ng Section E ay original production ng MavenPro, ang joint venture ng Viva Entertainment at MediaQuest group—isang malaking hakbang para iangat ang Filipino storytelling sa TV5 sa pamamagitan ng mga de-kalidad na mga programa.

Sa kombinasyon na ito ng reality, news, at drama, hindi lang pinalalakas ng TV5 ang weekend lineup, kundi nagbubukas din ito ng bagong yugto para sa early primetime programming. Sa Primetime Primera, ipinakikita ng Kapatid network ang dedikasyon nito sa pagbibigay ng primera klaseng news and entertainment tampok ang original and relatable content na naglalapit sa puso ng bawat Pilipino, saan man sila sa mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …