Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

“MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa aking asawa. Thank you po!” Ito ang post pasasalamat ni Alex Gonzaga sa pagkapanalo ng kanyang asawang si Mikee Morada bilang Vice Mayor ng Lipa City, Batangas. 

Sobra-sobra nga ang kasiyahan ng mag-asawa lalo si Alex at sobra ang pasasalamat sa tagumpay ni Mikee.

Sa Instagram nag-post ng mensahe si Alex para kay Mikee at sa mga taong naniwala at bumoto, kasama ang mga litrato na kuha sa kanilang pangangampanya.

“Thank you Lord Jesus! Thank you po mga Lipeño!” panimula ni Alex.

“Nagsimula ang taon namin mag-asawa na may lungkot sa puso. Pero unti-unti, nakikita ko kung paano nakatulong ang mga Lipeño para mapawi ang lungkot at pananabik ng asawa ko sa isang bagay na matagal na naming hinahangad.

“Sa tuwing umuuwi siya, kitang-kita ko ang genuine na tuwa sa kanyang mga mata tuwing nakakasama niya ang kanyang mga kababayan.”


Ibinahagi rin ni Alex ang magagandang katangian ni Mikee bilang asawa at public servant kaya naman talagang minanahal siya ng mga kapwa Lipeños.

“Napakababa ng loob mo–mapagpakumbaba kang humingi ng suporta, magalang mong ipinakita ang buong puso mong dedikasyon sa serbisyo.

“Kaya naman, kasama ang buong pamilya, buong puso ka naming sinuportahan at sinamahan, kahit hindi ka humihingi ng tulong.

“Maraming, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa aking asawa. Thank you po!” sabi pa ni Alex.

“Sorry sobra pong seryoso at drama pero wag kayo mag-aalala dahil matutuloy na ang dobleng putukan namin ni Vice Mayor!” biro ni Alex.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …