Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na si Karen Lopez na halos isang linggo nang hindi nakikita ng kanyang pamilya na huling kasama ang kanyang kasintahan matapos sunduin sa kanyang condominium unit noong 5 Mayo sa Quezon City.

Batay sa paskil sa social media, sinabi ng talent manager na si Lito De Guzman, huling nakita si Lopez, 21 anyos, noong nakaraang Lunes, 5 Mayo, bandang 12:00 ng tanghali.

Sinabi ni De Guzman sa isang panayam na si Lopez ay sinundo ng kanyang nobyo noong araw na iyon sa kanyang condo unit, at mula noon ay wala na silang komunikasyon sa dalawa.

Kinompirma rin ni director Roman Perez, Jr., na nagpatuloy ang shoot para sa Maalikaya sa Upper Antipolo City sa kabila ng pagkawala ni Lopez.

Idinagdag ni De Guzman na kinompirma ni Lopez na pupunta siya sa huling araw ng paggawa ng pelikula noong nakaraang gabi sa pamamagitan ng kanyang manager.

Inaasahan si Lopez sa set alas-6:00 ng umaga noong Miyerkoles, 7 Mayo, ngunit hindi ito nagpakita.

Hindi na rin umano makontak si Karen sa Messenger, Viber, at WhatsApp nito dahilan upang labis na mag-aala ang mga kasamahan at management team.

Nagpahayag ng matinding pag-aalala ang direktor sa kanyang misteryosong pagkawala, lalo na’t hindi sila sanay na late o absent sa set si Lopez na kinakikitaan ng pagiging propesyonal at maayos katrabaho.

Hinala ng direktor, may kinalaman ang kasintahan ni Karen at maaaring konektado sa kanyang pagkawala.

Aniya, “He didn’t want Karen to do VMX. Baka pinigilan niya. Sana lang maging okay ang lahat.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …