Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEX
ni Jun Nardo

IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo rin.

Of course, happy kami sa pagbabalik ni Mayor Isko Moreno. Pulling away ang bumoto sa kanya versus ang mga kalaban.

Nakatutuwa ring nanalo ang anak niyang si Joaquin Domagoso na number 1 sa nanalong konsehal sa second district ng Manila.

Nakalulungkot naman ang nangyari sa kandidatura ni Luis Manzano bilang vice governor ng Batangas. Mabigat ang nakalaban niyang si Dodo Mandanas na malaki ang lamang ng boto kay Luis.

And for Vilma Santos, as governor, inilampaso niya ang mga kalaban.

As for her son, Ryan Christian Recto, malaki ang lamang sa kalaban bilang kongresista sa isang distrito sa Batangas. Kakilala namin ang nakalaban niyang si Atty. Engr. Mar Panganiban na naging kaklase namin sa UE College of Law.

Malungkot ang naging kapalaran ni Dan Fernandez sa Laguna. Tinalo siya ng  former ABS-CBN journalist, Sol Aragones. Kakilala rin namin ang nanalong vice governor na si Atty. JM Carait.

Hindi na pinalad ang aktor na si EJ Falcon sa pagtakbo niya sa Mindoro. Natalo ang matapang na gobernadora ng Cebu City na si Gwen Garcia.

Nakatutuwa naman sa senador dahil pasok sa Top 10 sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan. Hindi na iiyak si Sharon Cuneta sa tagumpay ng asawa.

May incumbent na nanalo at mayroon namang natalo. Pero kapansin-pansin na mas marami na ang bagong dugo na nabibigyan ng pagkakataon.

Three years lang ang termino ng mga nanalo ngayong 2025 elections.

Sa 2028, mas mabigat at matindi ang labanan dahil magkasabay ang local at presidential election, huh!

But wait muna tayo sa impeachment ni VP Sarah Duterte sa July dahil mayroon nang bagong senador na lalabas na judges sa impeachment proceedings, huh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …