Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Mactan-Cebu International Airport  
P441-M CASH SA PITONG MALETA NASABAT  
9 dayuhan, 2 Pinoy arestado

051225 Hataw Frontpage

HATAW News Team

HINDI kukulangin sa P441-M cash na nakalagay sa pitong maleta ang naharang ng mga tauhan ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-ASG) sa Mactan-Cebu International Airport na nagresulta sa pagkakadakip sa siyam na dayuhan at dalawang Pinoy, kamakalawa ng gabi.

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni PNP Spokesperson P/BGen. Jean Fajardo, dakong 9:00 ng gabi nitong Biyernes nang maharang ang pitong maletang dala ng mga suspek na sinabing galing sa isang casino sa Cebu at pabalik ng Maynila.

Kabilang sa mga dinakip ay anim na Chinese national, isang Malaysian national, isang Indonesian, dalawang Khazakstani, at dalawang Pinoy.

Sa inisyal na imbestigasyon, dumaan sa X-ray scanner ang pitong maleta at napasin ang kaduda-dudang laman ng bagahe kaya agad nagsagawa ng inspeksiyon ang PNP at tumambad ang P441 milyong cash, US$168,730, at HK$1,000.

Ayon kay Fajardo, masusi ang imbestigasyon sa nadiskubreng sandamakmak na pera matapos maglabas ang White Horse Casino junket ng certification na ang perang naharang ay bahagi ng casino winnings.

Nabatid na inihabol lamang ang certification ng White Horse nang makuwestiyon ang mga maleta.

Matatandaan na ang White Horse Casino ay isa sa mga pinagdaanan ng ransom money sa Chinese businessman na si Anson Que.

Dagdag ni Fajardo, sinisimulan nang siyasatin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan gagamitin ang pera lalo pa’t dalawang araw na lamang bago ang eleksiyon.

Posible umanong konektado ang mga naaresto upang impluwensiyahan ang halalan.

Tiniyak ni Fajardo na tulong-tulong sa imbestigasyon ang PNP, PAOCC, at AMLAC dahil maituturing na national concern.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …