Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang award-winning actor.

Pinangunahan ng President at CEO ng Beautedérm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang pagpapakilala sa aktor bilang bagong ambassador ng Zero Filter Sunscreen ng Belle Dolls sa event na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire North, Quezon City, last Thursday.

Ang brand na Belle Dolls ay under ng Beautéderm Group of Companies.

Pahayag ni Dennis, “Unang-una, maraming salamat po sa importanteng araw na ito. Siyempre kay Ms. Rei, maraming salamat po, hindi lang mula sa akin kundi maging sa asawa ko. Na Isinama n’yo kami sa isang napakalaking pamilya…”

Si Jennylyn ay Beautederm endorser ng facial care na Threemendous TRIO serums, ang Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty, at Cristaux Retinol.

Pagpapatuloy ni Dennis, “Alam ko na ang mga alaga ninyong iba ay more than 10 years na at doon ko nakita kung bakit tumatagal nang ganoon. Dahil sa pagtrato ninyo sa kanila, sa pag-aalaga, sa pagpaparamdam na espesyal ang bawa’t isa, maraming salamat po.

“Itong mga nakaraang araw ay talagang sunod-sunod ang mga blessings at dinagdagan pa ito ng Beautederm. Kaya maraming-maraming salamat po, maraming salamat po sa tiwala.”

Perfect na endorser si Dennis para sa Belle Dolls Zero Filter Suncreen Lotion and Facial Mist upang maengganyo hindi lang ang mga kababaihan, kundi pati ang mga barako o kalalakihan na gumamit ng sunscreen para maging proteksiyon sa harmful na epekto ng ultra-violet (UV) rays ng araw.

Swak nga ito sa magaling na aktor lalo’t si Dennis ay nagmomotorsiklo o isang rider, kaya kailangang-kailangan ito ng aktor bilang proteksiyon sa kanyang balat laban sa tindi ng init ng araw.

Isa sa mga nagustohan ni Dennis sa Zero Filter ay napaka-light i-apply nito sa mukha. Hindi raw tulad ng iba na mahapdi sa mata kapag pinagpawisan siya.

Esplika ni Dennis, “Isa pang nagustohan ko sa Zero Filter Sunscreen ng Belle Dolls ay napaka-light niyang i-apply sa mukha. Na parang pagkalagay mo after a few minutes ay parang feeling ko ay walang nakalagay sa mukha ko.

“So, napaka-importante niyon, lalo na kapag pinagpapawisan ka at napunta sa mata mo. Iyong iba kasi ay masakit sa mata,” paliwanag pa niya.

Inilinaw din ni Dennis na dapat ang pag-aalaga sa skin ay hindi lang para sa mga babae, kundi para sa mga kalalakihan din.

“Siyempre ang pag-aalaga sa skin ay hindi lang iyan pambabae. Kung ano iyong pag-aalaga ng babae, ganoon din dapat sa mga lalaki. Kasi isa lang naman ang balat natin lalo na ngayon napakainit, kailangan natin ng proteksiyon against sa harmful UV rays. Kaya naman perfect talaga itong Belle Dolls Zero Filter Sunscreen na proteksiyon para sa ating balat.”

Ipinaliwanag naman ni Ms. Rhea kung bakit si Dennis ang napili niyang maging endorser ng Belle Dolls, “Kailangan din nating pagamitin talaga iyong mga lalaki ng ganitong mga skin care.

“Ang Belle Dolls natin ay may drinks din, may collagen po iyon. Kasi ang ageing ay nandiyan na iyan e, idine-delay lang natin nang kaunti iyong signs of ageing.

“Nakakalimutan natin na ang the best anti-ageing secret ay sunscreen…

“Gusto kong mas i-push natin ang Belle Dolls para mas makilala na ang mga lalaki ay kailangan na gumamit din ng skin care (para proteksiyon kontra ageing). And talagang we assure you, that’s the lightest sunscreen ever,” nakangiting wika ng lady boss ng Beautederm.

Ang Belle Dolls Zero Filter Sunscreen ay available in two sizes: 80 ml (mist) at 50 ml (lotion). Kapwa ito nagbibigay ng proteksiyon sa skin from UV damage, prevent sun-related skin problems, moisturize the skin, reduce blemishes, at nag-i-improve sa overall skin texture at tone.

Available at mabibili ang Belle Dolls Zero Filter Sunscreen Lotion at Facial Mist sa Beautederm stores nationwide, pati na rin sa Tiktok, Shopee, at Lazada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …