Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ

“MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang ibinabahagi at madalas sambitin ng tumatakbong mayor ng Maynila, si Sam ‘SV’ Verzosa.

Kagabimuling umalingawngaw ang mga salitang ito ni SV sa isinagawa niyang Grand Gathering sa ilalim ng tulay sa Pandacan. Dinaluhan iyon ng mga taga-Pandacan na talaga namang nagpakita rin ng pagmamahal at suporta kay SV.

Nagbigay kasiyahan sina Jose Manalo at Wally Bayola gayundin ang FR Band at sinorpresa naman ni Ogie Diaz ang mga taga-Pandacan gayundin si SV.

Ani Ogie, napaka-suwerte ng mga taga-Maynila dahil may isang SV na tumatakbo na tulad ng Mayor ng Pasig, si Vico Sotto, hangad ang kabutihan ng nasasakupan. Maliban sa malinis na pamamahala at talagang magbibigay-tulong.

Sinabi pa ni Papa O na isang philanthropist si SV. Na ibig sabihin, isang taong nagbibigay ng kanilang oras, pera, at tulong o suporta sa mga tao ng walang hinihinging kapalit. Sila iyong mga mapagkawanggawa at iniisip lamang ang kapakanan at kabutihan ng tao.

Matapos magbigay-mensahe ni SV sa mga taga-Pandacan doon na rin ginawa ang maikling media conference para marinig din ng mga taga-Maynila ang plano ng kanilang ibobotong mayor.

Natanong si SV ukol sa pakiramdam nito na hindi siya kundi si Isko Moreno, na tumatakbo at kalaban din niya sa pagka-mayor ang susuportahan ng Iglesia Ni Cristo sa eleksiyon sa Lunes, May 12.

Ako naman… ako’y inirerespeto ko po lahat ng opinyon o pagpili ng iba’t ibang sektor sa Maynila, iba’t ibang mga grupo.

“Pero nagpapasalamat po ako sa lahat ng sektor na sumusuporta sa akin, dito sa Pandacan, maraming salamat.

“Sa grupo ng mga TODA, sa grupo ng mga jeepney driver, lalong-lalo na ‘yung mga vendor na kakampi ko, maraming salamat.

“Gusto ko ring pasalamatan lahat ng mga kapatid kong namamanata sa Mahal na Itim na Nazareno, lahat ng mga mamamasa, maraming salamat sa inyong suporta.

”’Yung mga kapatid ko po sa Hijos del Nazareno [Sons of the Nazarene], Basilica at sa lahat ng balangay, libo-libo ho iyan.

“Gusto ko kayong pasalamatan, salamat sa paniniwala, sa tiwala sa laban na ‘to.

”Sabi ko nga eh, wala naman akong ibang gagawin, puro kabutihan at pagtulong, puro serbisyo diretso sa tao, katulad niyong ginagawang serbisyo ng mga kapatid ko na mga deboto ng Nazareno, sama-sama naming gagawin ito at sama-sama naming ipapanalo ang laban na ito.”

Nahingan din ng mensahe ni SV kina Isko Moreno at incumbent Manila Mayor Honey Lacuna na kapwa niya katunggali sa eleksyon.

Tumawa muna si SV bago sumagot, Magandang mensahe na lang siguro ang sasabihin ko para sa kanila. Siguro salamat, dahil sa kanila nandirito po ako.

“Salamat, dahil sa mga ginawa nila nagising ‘yung mga taumbayan.

“Salamat, at siguro ito na ‘yung ginusto ng Diyos, alam niyo ‘yung mga bagay nangyayari wala sa plano. 

“Wala ho akong planong mag-Mayor pero salamat dahil pati ako nagising sa katotohanan.

“Nagising sa pangangailangan, at nagising na kailangan na po ng tunay na pagbabago rito sa Maynila.”

Ibinahagi rin ni SV na hindi lang seniors, PWD ang makikinabang kung siya ay papalarin dahil magkakaroon din ang mga estudyante, tulad ng sa ibang lugar—Pasig, Makati—ng mga libreng gamit sa eskuwelahan gaya ng libreng uniform, sapatos, kagamitan sa paaralan at iba pa.

Dagdag pa ang pagkakaroon ng Facebook page na sumbungan ng mga Manileno na aaksiyonan agad ni SV.

Napakasuwerte ng mga taga-Maynila sa pagkakaroon ng isang SV. Kaya nga pakiusap ni Ogie D, bigyan ng isang pagkakataon si Sam Verzosa para mapatunayang tapat ang lahat ng ipinangako nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …